Eya's POVKINABUKASAN
Nagising ako mas maaga pa sa alarma ko. Hindi ko alam kong bakit ang saya ko ngayon. Nagluluto ako ng agahan namin ni Lai ngayon habang nag hu-humming ako.
"B-best?" Napalingon ako sa likod ko nung marinig ko ang boses ni Lai. Agad akong ngumiti sa kanya.
"Good morning Lai!" Masiglang bati ko sa kanya. "Kain ka na, tinimplahan din kita ng kape." nakangiti kong sabi at binaling ang atensyon sa niluluto ko.
"Best wag ka na ata pumasok, mukhang lumala ang lagnat mo eh." Sabi ni Lai. Napakunot naman ang noo ko at nilingon siya.
"Wala na kong lagnat." Tugon ko sa kanya at muling tumingin sa niluluto ko. Nung okay na yung longganisa pinatay ko na ang kalan at nilagay ang longganisa sa mangkok.
Naglakad na ko papunta sa mesa at nilagay dun ang longganisa. Nag-angat naman ako ng tingin kay Lai nung hindi pa siya umu-upo at pinagmamasdan ako na parang may ginagawa akong mali.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya. Agad siyang naupo at muling tumingin sakin.
"Sure kang okay na ang utak mo bes? Wala naman naiba sa utak mo no? Ikaw parin naman ang kaibigan kong masungit sa umaga no?" Tugon ni Lai. Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga sinasabi niyang hndi ko maintindihan.
"Ha?" Aniko. Kumuha na ko ng kanin at nilagay yun sa plato ko.
"Bes nasasapian ka ba?" Tanong ni Lai. Nilingon ko siya at tinignan kung nagbibiro siya, ngunit hindi. Wala akong nakitang pagbibiro sa itsura niya ngayon.
"Ano bang nangyayari sayo?" takang tanong ko. Napapikit naman siya at bumuntong-hininga.
"Eh kasi naman bes. Kinakabahan ako sayo. Baka nainfection na talaga ang utak mo. Hindi ka naman ganito pag umaga ha!? Hindi ba dapat nagsusungit ka at natutulog pa ngayon? Eh bakit kabaliktaran? Mas maaga kang gumising sakin, nagluto ka, at kumakanta ka pa kanina." Mahabang paliwanag niya. Ano naman ang mali dun? Hindi ba pwede mag iba ang routine ko?
"Bakit? Anong mali dun?" Takang tanong ko at nagsimula ng kumain. Napabuntong-hininga si Lai.
"Wala naman mali, kaso naninibago lang ako. Ano ba ang nangyari at ang saya saya mo ngayon?" Takang tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi na siya muling nagtanong kung bakit ganito ang asta ko ngayon.
Nung ready na kami ni Lai umalis, lumabas na kami sa apartment. Maglalakad na sana kami paalis sa harap ng apartment namin kaso natigilan kaming pareho nung makita namin si Ares na nakasandal sa kotse niya at parang hinihintay kami.
Nakatingala siya ngayon at sumisipol pa. Ang saya naman ng lokong to? Naka shades pa talaga. Nagkatinginan kami ni Lai, napailing-iling nalang kaming dalawa at nakita ko pa siyang umirap. Nung muli naming lingonin ni Ares tumingin na din siya samin at agad niyang tinanggal ang shades niya at ngumiti sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Hi guys." Masayang bati niya samin. Muli kaming napatitig ni Lai sa isa't isa.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nung nakalapit na kami sa kanya.
"I'm here to pick you up...and of course your friend." Sagot niya.
Napalingon ako kay Lai na nakataas ang kilay nakatingin kay Ares ngayon. Pero nasakin lang ang mga mata ni Ares.
"Hindi mo naman kami kailangang sunduin Ares." Sabi ko sa kanya. Nginitian niya lang ako.
"Gusto kitangsanayin eh, pag naging tayo na araw-araw kitang hatid sundo." Nakangiting sabi niya. Eto nanaman tayo.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomansaBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...