NOT EDITED YET
Eya's POV
"We're here!" nagulat ako nung marinig ang sigaw ni Brent. Tatayo na sana ako kaso nauntog ang ulo ko sa ulo ni Ian, dahilan para matumba kaming pareho sa sofa.
"Bro asan---" hindi naituloy ni Brent ang sasabihin niya nung makita kami sa sofa na nakahiga.
Nilingon ko sila at pati sila James at Cyjan at nagulat sa nakikita nila. Nanlaki naman ang mga mata kong tignan si Ian na nakapikit na, nasa ibabaw ko at hinahaplos ang noo niya.
Agad kong tinulak si Ian, dahilan para mahulog siya sa sahig. Agad naman akong tumayo at tumayo ng maayos at nag-iwas ng tingin sa tatlo.
"What the fuck!" reklamo ni Ian, nag-baba ako ng tingin sa kanya na nakatingin na ng masama sa akin. Buti nga sayo dragon ka!
Tumayo siya at naglakad papunta sa kaibigan niyang gulat parin sa nakita. Kaso si Brent naman ngumisi at may ibinulong siya kay Ian.
Ang taray din ng lalaki to no!? Hindi niya ba alam na puro red lipstick ang mukha niya ngayon!? Nag-baba ako ng tingin sa leeg niya nung napansin ko ang mamumula nito. Hindi na ko nagulat na may marka ang leeg niya. Baka pati ang babaeng kalandian niya kanina may marka din galing sa vampirang to.
Kung si Edward lang siya sa twilight magpapakagat ako----WHAT!? Ano bang iniisip mo Eya!? God! Kahit siya man si Edward or hindi, hinding hindi ako magpapakagat sa kanya. Gosh. Napailing-iling nalang ako sa mga iniisip ko.
"Shut the fuck up!" iritang sabi ni Ian, sabay kuha ng supot na hawak ni Brent.
"Pasensya na." natatawang sabi ni Brent, naglakad naman palapit sa gawi ko si Ian at umupo sa sofa. Kinuha niya ang sandwich sa supot at kinain yun. "Bad timing ata tayo mga pre, hindi naman natin alam na may kababalaghan palang nangyayari dito." bulong ni Brent kay Cyjan at James, kaso ipinarinig niya talaga yun sakin para asarin ako.
"Mali kayo ng iniisip!" agad kong tanggi. Masama kong nilingon si Ian nung maramdaman kong nakatingin siya sakin at hindi nga ko nagkakamali, nakatingin nga sakin ang dragon! Kumagat siya sa sandwich na parang nagco-commercial siya. May pagbasa pa talaga sa labi niya!
Nung tumingin ulit siya sakin, napakagat labi siya sabay kindat. Kumunot naman ang noo ko at inirapan siya.
"Ano ba ang iniisip namin?" nag-aasar na tanong ni Brent. Napalingon at sa kanya na nakangisi na ngayon. Sinamahan ko naman siya ng tingin. Nag-krus arms siya at tinaasan niya ko ng kilay.
"What are you doing here Eya?" seryosong tanong ni Cyjan. Napalingon naman ako sa kanya. Galit ba siya?
"She's looking for J.R." sagot ni Ian, na busy sa pagkain niya. Napalingon ulit ako sa kanya, nakatingin siya parin sakin habang ngumunguya. Napangisi siya nung lunukin niya ang ngnunuya niya. Gumalaw ang adam's apple niya kaya napaiwas ako. Ghad ang sexy nun ha!
Sino naman si J.R. aber!?
Napalingon ako kay Brent nung nagsalita siya. "What do you need from James?" tanong niya sabay akbay kay James.
Si J.C. ay si James!? Ay oo, nga naman James Ramsel kaya J.C. Slow din ako minsan eh no!?
Napalingon naman ako kay James na nakatingin ng seryoso sakin. Nag-baba ako ng tingin sa supot na nasa sahig, nabitawan ko yun nung matumba kami ni Ian sa sofa. Bigla kong naramdaman nag-init ang mga pisngi ko nung inalala ko ang nangyari kanina. Pinulot ko naman yung supot at binuksan yun, tsaka ko nilabas ang jacket niya at lumapit kay James.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...