Eya's POVPinapatibok nanaman ni Ian ng mabilis ang puso ko. Kahit malayo siya sakin, parang nakukuryente ako dahil sa ngiti niya at presenta niya. Umupo na siya sa high chair na nasa likuran niya at pinatong ang gitara sa binti niya. Lumingon siya sakin tsaka ngumiti ng nagpatunaw ng puso ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko nung nagsimula na niyang tugtugin ang gitara.
~Nag-iisang pag-ibig ang nais makamit yun ay ikaw
Nag-iisang pangako na di magbabago para sayo
San ka man sana'y maalala mo
Kailanman asahan di magkalayo~
Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti nanaman ng napakatamis. Nakikita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Hindi ko namalayang ngumi-ngiti na pala ako habang pinapanood ko siya sa gitna.
~Tanging ikaw lamang ang aking iibigin
Walang ibang hiling kundi ang yakap mo't halik
Hindi malilimutan mga araw natin kay sarap balikan
At lagi mong isipin walang ibang mahal kundi ikaw
Malayo ka man sana'y maalala mo
Kailan man pangako di mag kalayo
Tanging ikaw lamang ang aking iibigin~
Nung natapos niya na ang kanta, binaba niya ang gitara sa sahig at may pinulot siyang bulaklak tsaka siya nakangiting naglakad papalapit sakin.
"Hey." Ngiti niya sakin. Nginitian ko naman siya.
"Hi." tugon ko.
Nagbaba siya ng tingin sa bulaklak na hawak niya tsaka niya binigay sakin. Tinanggap ko naman yun at inamoy. Ngumiti ako nung ang bango ng bulaklak na binigay niya sakin.
"Salamat." baling ko sa kanya. Ngumiti naman siya tsaka mas lumapit sakin. Bigla akong nakaramdam ng kuryente nung hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry sa nangyari." sincere niyang sabi, marahan niyang pinisil ang kamay ko. Nginitian ko naman siya tsaka pinisil ang pisngi niya.
"Okay na yun." natatawang sabi ko, napangisi naman siya at nagulat nalang ako nung bigla niya kong yakapin sa bewang ko. Hindi ko mapigilan makaramdam ng kilig at mapangiti.
Tinugunan ko rin siya ng yakap at mas lalong humigpit ang yakap niya sakin na parang ayaw niya na kong umalis sa bisig niya.
"Be my girlfriend." bulong niya sakin na mas lalong nag patibok ng mabilis ng aking puso.
"H-ha?" gulat kong tugon sa kanya. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at hinawi ang ilang hikbi ng buhok na nasa mukha ko at nilagay niya yun sa likod ng tenga ko. Napalunok ako nung hawakan niya ang pisngi ko at marahan niyang hinaplos yun.
"Please be my girlfriend." ulit niya. Hindi ko siya tinugon at tumingin lang ako sa mga mata niya.
Oo, inaamin kong mahal ko na siya. Kaso hindi ba ang bilis ng pangyayari? Well, kung mahal namin ang isa't isa bakit pa namin patatagalin ang ligawan diba?
"1 week ka palang nanliligaw tinanong mo na ko kung pwedeng tayo na." natatawang sabi ko. Tumawa naman siya ng mahina at hinawakan ang kamay ko.
"Kahit tayo na, liligawan parin kita araw-araw. Kahit mag-asawa na tayo liligawan parin kita. Liligawan kita hanggang nabubuhay ako." seryosong sagot niya na ikinangiti ko.
"Talaga?" natatawang tugon ko. Tumango naman siya at nginisian ako.
"Araw-araw, paliligayahin kita." nakangising sabi niya. Hinampas ko naman siya sa balikad dahil sa mga kahalayan niya nanaman.
"Mahalay ka!" sabi ko sabay hampas ulit sa balikat niya.
"Paliligayahin kita ng mga kanta ko, chocolate, at bulaklak. Ano bang iniisip mo?" seryosong sabi niya pero nakikita ko sa mukha niyang inaasar niya ko. Bigla nalang akong namula dahil sa dumi ng pag-iisip ko.
Napanguso naman ako nung tumawa siya ng malakas at pinisil pa talaga ang ilong ko!
"Your so cute love." tumatawa parin siyang. Hinampas ko naman siya gamit ang bulaklak na hawak ko.
"Ewan ko sayo." inis kong tugon sa kanya. Tumawa lang siya ulit at pinisil nanaman ang ilong ko! Ang sakit nun ha!
"Nagtatampo ba ang girlfriend ko?" asar niyang sabi kaya sinamahan ko siya ng tingin.
"Girlfriend!? Hindi pa kita sinasagot at hindi kita sasagutin!" inis kong sabi sa kanya. Hinawakan niya naman ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya tsaka niyakap.
"Sorry na." malambing niyang sabi kaso hindi ko siya pinansin. Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at inangat ang baba ko para magpantay ang mga mata namin. Natigilan nalang ako nung ang lapit ng mukha namin sa isa't isa!
"Can you be my girlfriend Yanyan? Yes or Yes?" nakangisi niyang sabi. Nangunot naman ang noo ko. Yes or Yes? Wala naman choices kundi yes lang! Ang daya nito.
"Wala naman akong choice kundi mag yes, dahil yun lang yung choices." Nakangusong tugon ko. Ngumiti naman siya sakin.
"Because whether you like it or not, your mine. Only mine." sagot niya at hinalikan ang noo ko, agad naman akong napapikit pero nagmulat din nung lumayo na siya. "What do you say?" tuloy niya.
Napangisi naman ako tsaka ako ngumiti ng labas ang ngipin ko. "Yes, Baste. Tayo na." agad naman siyang napangiti dahil sa sagot ko. Ang bilis ng pangyayari dahil ngayon sakop niya nanaman ang labi ko.
"EHEM! PASINTABI NAMAN KAYO SA MGA WALANG JOWA!"
Agad akong napabitaw sa labi ni Ian nung marinig ko ang sigaw ni Lai. Nandito sila!? Nasilaw ako nung bumukas ang lahat ng ilaw sa buong gym. Nagulat nalang ako dahil nandun ang tatlong dragon kasama si Sean at yung mga kaibigan ko!
Anong ginagawa nila dito!? Kanina pa ba sila diyan!? What the heck!? Akala ko kami lang ni Ian ang nandito!?
Tumingin ako kay Ian para mag-explain siya sakin. Nagkibit-balikat lang siya. "Hindi ko alam nandito sila." bulong niya sakin. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Nagpaparinig ka ata Lengleng." Nakangising sabi ni Sean kay Lai. Agad naman ngumunot ang noo ni Lai dahil sa sinabi ni Sean.
"Putangina mo Sinong!" Inis na sigaw ni Lai. tumawa lang si Sean at inakbayan si Lai dahil magkatabi sila. Hindi nakaligtas ang pag-irap ni Cyjan habang pinapanood ang dalawa.
Nag-asaran pa sila. Sinali din nila ang tatlong dragon kaya nakalimutan na nila kami ni Ian. Tumatawa lang ako habang pinapanood nila kaso natigilan ako nung hawakan ni Ian ang kamay ko at iharap ako sa kanya.
"I love you." bulong sakin ni Ian. agad naman akong napangiti.
"I love you too." tugon ko na ikinangiti niya rin. Inakbayan niya ko at pinanood namin muli ang mga kaibigan namin.
--------------------
Third person's POV
Habang masaya silang lahat sa gym. Hindi nila alam na may nakamasid sa kanilang lalaki sa labas ng gym. Nakasuot ito ng black pantalon, white t-shirt, black jacket. Nakasumbrero din siya at naninigarilyo.
Nakasandal siya sa pinto ng gym at pinagmasdan si Eya na tumatawa habang pinapanood ang mga kaibigan niya.
"Sige magsaya ka lang little Grace. Dahil sa takdang panahon, sisiguraduhin kong mawawala ang mga ngiti mo habang buhay." nakangisi niyang sabi sa kanyang sarili. Humithit pa siya sa hawak niyang sigarilyo bago niya to itapon sa sahig at tapakan. Muli niyang sinulyapan si Eya bago siya umalis.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To be continued.....
Not edited yet.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...