Chapter 44

48 4 0
                                    




Eya's POV


Limang buwan na ang nakakalipas simula nung pumunta kami sa Batangas. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko wala ng problemang darating, kaso nagkamali ako. Bumalik na siya. Ang taong kinatatakutan ko, ang taong gustong pumatay sakin.

Nagsimula na naman siyang nagpadala sakin ng death threats 1 month ago at simula noon, araw-araw na niya akong tinatakot.

Kailangan ko na talaga siyang makausap. Dahil hindi ako mapakali hangga't hindi ko nasisigurado kung siya at yung munting na kong banggain ay iisa.

Sabado ngayon, nasa bus ako ngayon papunta sa kung saan ako lumaki. Hindi ko sinabi kina Ian at Lai kung saan talaga ako pupunta dahil alam kong pipigilan nila ako.

Dahil sa tagal ng biyahe hindi ko namalayang nakatulog na ko. Nagising nalang ako nung may marinig akong mga ingay. Ang sakit ng ulo at likod ko! Napakurap-kurap ako ng maraming beses dahil malabo ang mga mata ko.

Nung naka-adjust na ang mga mata ko ay nagulat nalang ako nung natagpuan ko ang sarili ko sa abandonadong warehouse.

Anong ginagawa ko dito!? Paano ako napunta dito!? Tatayo na sana ako kaso natigilan ako dahil nakatali ako sa upuan inuupuan ko! Pati ang mga paa ko, nakatali sa magkabilang front legs ng inuupuan ko. Nakatali din ang mga kamay ko sa likod ng upuan. WTF!

"Oh gising na pala ang prinsesa." Nagulat ako nung may magsalita sa likod ko. Hindi ko siya malingon dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko!

Naririnig ko ang mga yapak niyang papalapit sakin. Nanlaki ang mga mata ko nung nasa harapan ko na siya.

"Ikaw!?" hindi makapaniwalang sabi ko. I knew it! All this time ba't hindi ko inisip na siya!?

"Hello sweetheart. We met again." ngising sabi niya. Lumapit sakin si Brian at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay niya. Napailing-iling naman ako para tanggalin ang kamay niya sa mukha ko kaso mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dun!

"Walang hiya ka! Ano bang ginawa ko sayo!?" Sigaw ko sa kanya. Binitawan niya na ko at ngumisi. Tumayo siya at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya.

"Wala. Pero may kakilala akong gusto kang pahirapan." ngising sabi niya. Napakunot ang noo ko at inalala ang mga taong nakaaway ko. Kaso isa lang ang pumasok sa utak ko.

"Asan siya!? Kung gusto niya kong patayin dapat siya ang gumawa!" matapang kong sigaw. Kanina pa ko kinakabahan kaso ayokong ipakitang mahina ako! Dahil ang sarili ko lang ang maaasahan ko sa ngayon.

"Tss. You will soon meet my boss sweetheart." Ngising sabi niya na mas kinakulo ng dugo ko!

"Hindi ko siya kailangan makilala dahil kilalang kilala ko siya!" Siguradong sigurado na ko kung sino ang taong gustong pumatay sakin. Nung nakita ko siya sa araw na muntik na kong maaksidente, alam kong siya lang ang taong may galit sakin. Pero bakit!? Anong nagawa ko para ipapatay niya ko!? Sa pagkakatanda ko wala akong ginagawang ikakagalit niya!? Kaya bakit ganito nalang ang galit niya sakin!?

"Tss. Well see." asar niyang sabi habang naglalakad siya palabas sa warehouse. Nung nakalabas na siyang tuluyan ginawa ko ang lahat para matanggal ang tali sa kamay ko kaso ang higpit ng pagkakatali nila!

Wala talagang pag-asang makatakas ako dito! Baka paglabas ko dito wala na akong buhay! Pag talaga pinatay ako ng lalaking yun, siya ang unang mumultuhin ko! Isinusumpa ko yan sa kanya!


-------------


Ang sakit na ng katawan ko sa kakaupo magdamag dito sa matigas na upuan nato! Kanina pa ko sumuko sa pagtanggal sa tali sa kamay ko. Ang higpit eh! Hindi na makahinga ang mga ugat ko sa kamay! Putangina nila!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung naririnig ko ang mga tawanan sa labas papalapit sa warehouse! Nanginginig na ang buong katawan ko! Sa mga oras na to wala akong magawa kundi umupo lang dito sa upuan na to at hintayin ang katapusan ko!

"Hey there!" Bati ni Brian sakin nung nakapasok na siya at kumaway pa ang gago! Napatingin naman ako sa mga lalaking kasama niya. Napakagat labi sila at tinignan ako ulo hanggang paa! Mga manyak! Bastos!

Lumapit sila sakin at tumigil sila sa harapan ko. Isa isa ko sila sinamahan ng tingin na ikinangisi nila!

"Narinig niyo naman ang sabi ni boss. We can do anything we want to this girl except for killing her. Dahil gusto ni boss na siya ang papatay sa kanya." Nakangising sabi ni Brian.

Anong gagawin nila sakin!? Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kay sa hintayin ang pwede nilang gawin sakin!

"Tsk. Tsk. Tsk. sayang naman ang ganda niya." rinig kong sabi ng katabi ni Brian sa kanan.

"Wag kang mag-alala, magiging masaya ka bago ka umalis sa mundong to." nakangising sabi ng lalaking katabi ni Brian sa kaliwa niya. Sinamahan ko lang siya ng tingin!

"Wag kayong lalapit sakin!" sigaw ko nung may dalawang lalaking lumapit sakin. Naramdaman kong lumuwag ang tali sa kamay ko. Tinanggal din nila ang tali sa katawa at mga paa ko tsaka nila hinawakan ang braso ko at pinatayo!

"ANO BA BITAWAN NIYA KO!" Sigaw ko kaso hindi nila ko binitawan.

"Sige na pahirapan niyo." Natatawang sabi ni Brian.

Please somebody...help me!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


To be continued.....

Not edited yet.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon