Chapter 41

59 5 0
                                    




Eya's POV


Limang buwan na ang nakalipas, simula nung sagutin ko si Ian bilang boyfriend ko. Naging okay kami, masaya, pero minsan nag-aaway dahil nagseselos siya sa mga lalaking kumakausap sakin.

Swerte ako dahil nakilala ko si Ian at dumating siya sa buhay ko kaso nakabingwit ako ng selosong boyfriend. Sabi niya sakin, dapat sa kanya lang ang atensyon ko. Dapat siya lang tinitignan ko. Kahit naman tumingin ako sa iba, siya parin naman ang laman ng puso't isip ko.

Yun lang naman ang problema namin. Sweet namin si Ian at clingy siya pag kami lang dalawa. Palagi din kaming magkasama sa school at tumatambay sa kuta nila. Sumasama din minsan sila Lai, Kate, at Leah para tumambay sa kuta nila.

Yung namang math competition, tapos na yun 3 months ago. At ako ang nanalo! Ang galing naman kasi ng tutor ko pero minsan may kasamang landi ang tinuturo niya.

Yung namang lalaking gustong pumatay sakin, hindi na siya nagpaparamdam. Nagpapasalamat nga ko kasi tinantanan niya na ko, kaso nagtataka lang ako kung bakit bigla na lang siyang tumigil sa pagbabanta ng buhay ko. Yung namang muntik ng bumangga sakin, hindi ko pa siya nakakausap. Pero kailangan ko na siyang makausap para matanong sa kanya kung siya at yung nagpapadala ng death threats sakin ay iisa. Dahil kung siya nga, hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya!

"Love are you okay?" Napalingon ako kay Ian nung narinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Nginitian ko siya tsaka tumango. Tumabi naman siya sakin at inakbayan ako.

"Oo, okay lang ako." tugon ko at hiniga ang ulo ko sa balikat niya.

Nasa kanila kami ngayon. Sabado ngayon, pumunta ako dito sa bahay nila dahil gusto niya daw ako makita ni Sina.

"Mga lovebirds diyan, kain na tayo." Napalingon kami ni Ian sa likuran namin nung tawagin na kami ng daddy ni Ian. Nakilala ko narin ang daddy ni Ian, ang bait niya at hindi naman masungit kaya sino kaya nagmanahan ni Ian ng kasungitan niya?

Cool Dad ang daddy ni Ian, nakikisabay sa uso. Nung una ngang pinakilala ako ni Ian sa daddy niya ay kinakabahan ako dahil baka ayaw niya sakin. Kasi palagi ko yun napapanood sa teleserye or sa mga wattpad books na nababasa ko. Yung daddy ng boyfriend mo ayaw sayo dahil may gusto siyang iba para sa anak niya.

Kaso nagkamali ako. Lahat ng iniisip ko kabaliktaran ang nangyari. Winelcome ako ni Tito at sinabi niya din sakin na gusto niya ko para sa anak niya. Nung unang kita nga namin agad niya kong niyakap pati ang anak niya sinasabing binata na si Ian at may girlfriend na sa wakas.

Babaero din daw si Tito nung kabataan niya, pero nagbago yun nung nakilala niya si Tita ang asawa niya at ang mommy ni Ian. Sabi niya sakin ako na daw ang itinakdang babaeng magpapatino kay Ian. Kahit naman hindi ako yun, patitinuin ko parin si Ian at humanda talaga siya sakin kung mang ba-babae siya!

Pumasok na kami ni Ian sa loob at tumakbo si Sina papalapit samin at nagpabuhat sa kuya niya.

"Hi Sina." Bati ko sa kanya. Nginitian niya naman ako at kinawayan tsaka kami pumunta sa dining table at kumain ng tanghalian.

"Tsanga pala diba wala kayong pasok next week?" tanong ni Tita. Kumakain na kami ngayon, magkatabi kami ni Ian habang sa kabilang side naman ng table nakaupo si Sina at Tita. Si Tito naman ang na sa gitna ni Ian at Tita.

"Yes Mom." Maikling tugon ni Ian.

"Gusto nyo bang sumama samin? Pupunta kami sa isang resort sa Batanggas." Tugon ni Tita. Nakikinig lang ako sa kanila habang kumakain.

"Yes, sasama kami ni Yan." tugon ni Ian, kunot noo ko naman siyang nilingon. Ba't ako nasama? Diba family outing nila to?

"Sige, mauuna kami ng Daddy mo at si Sina. Sumunod nalang kayo ni Yan dun." Sabi ni Tita. Tumango-tango naman si Ian sa Mommy niya, nginitian ko lang si Tita.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami kina Tita, Tito, Sina, at kina manang dahil may pupuntahan daw kami ni Ian.

"Sasama ba talaga ako sa Batanggas?" Tanong ko nung malapit na kami sa kotse niya. Sumandal siya sa pinto ng shotgun at hinawakan ang kamay ko.

"Ayaw mo ba? Pwede naman tayong hindi pumunta." Tugon niya, hinawi niya ang mga hikbi ng buhok na nasa mukha ko.

"Hindi naman sa ayaw, kaso hindi ba dapat kayo lang dahil family outing niyo yun?" Tugon ko sa kanya. Nginitian niya naman ako at hinila papunta sa tabi niya at inakbayan.

"You're part of my family now, my future wife." Bulong niya sakin na ikinangiti ko. Nilapit niya ang mukha niya sakin at automatic na kong pumikit nung halikan niya ko sa labi.

"I love you." bulong niya sakin nung humiwalay na siya. Pinagdikit niya ang mga noo namin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hinawakan ko naman ang mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"I love you too." tugon ko sa kanya.


------------------


"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kanya. Kanina pa siya nagdri-drive, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Mukhang nakalayo na kami sa Manila.

Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya sakin. "Just sleep, malayo pa tayo." Tugon niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Kanina pa niya ko pinapatulog dahil malayo pa daw kami sa pupuntahan namin. Saan kaya niya ko dadalhin? Dahil sa kakaisip kung saan kami pupunta hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako nung may humalik sa labi ko. Pagmulat ng mata ko tumambad sakin ang napakagwapong lalaking nakilala ko. Agad akong napangiti sa kanya, ganun din siya.

"We're here." bulong niya, hinalikan niya muna ang pisngi ko bago siya bumaba at pagbuksan ako ng pinto.

"Asan tayo?" Takang tanong ko. Tinignan ko ang paligid at ang daming sasakyan, napalingon ako sa mahabang hagdan na nasa harapan namin.

"Let's go." sabi ni Ian at hinawakan ang kamay ko. Nilock niya na ang sasakyan niya at nagsimula na kami maglakad papunta sa mahabang hagdan.

"A-aakyat tayo?" gulat kong tanong. Nilingon ko siya, nginisian niya ko at tumango. "Ano?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tumingin ulit ako sa mahabang hagdan baka bukas pa kami makakarating sa taas ha?

"Don't worry love, you'll be fine." Natatawang sabi ni Ian. Inirapan ko naman siya at nauna ng umakyat. Marami ng mga taong pababa, meron din paakyat palang gaya namin ni Ian. Nasa likod ko lang siya nakaalala sa likod ko.

"L-love, h-hindi ko na kaya." sabi ko at napaupo nalang. Hingal na hingal na ko, kanina pa kami umaakyat parang infinite tong hagdan, walang katapusan. Tumawa si Ian at kinuha ang kamay ko para tumayo. Tamad naman akong tumayo at sumandal sa railing.

"Malapit na tayo, tara na." sabi niya, nauna na siyang umakyat. Hawak niya naman ang kamay ko, nakahawak ang isang kamay ko sa railing. Dahil feel ko mahihimatay na ko.

"We're here." rinig kong sabi ni Ian. Nung nasa tuktok na kami natulala na lang ako dahil sa ganda ng tanawin. Biglang nawala ang pagod ko dahil sa nakikita ko. Lumapit ako sa may railings at tinanaw ang napakagandang lake.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likuran ko. Agad kong naamoy ang mabangong pabango ni Ian. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at hinawakan ang kamay niyang nasa tiyan ko.

"It's so beautiful." bulong ko sa kanya. Napapikit ako nung tumama ang sariwang hangin sa mukha ko.

"I know you'll love it." Bulong sakin ni Ian at hinalikan ang sentido ko.

"Thank you." humarap na ko sa kanya at niyakap siya sa leeg. Mahigpit niya naman akong niyakap.

"I love you." bulong niya sakin. Humiwalay na ko sa kanya pero nanatili ang kamay ko sa batok niya. Nanatili naman ang kamay niya sa bewang ko.

I smiled at him and tiptoed to kiss him. "I love you too." I whispered, he kissed me back.

Nung nagkahiwalay na ang mga labi namin, niyakap niya ko sa likod ko at pinanood namin ang sunset na palubog na.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

To be continued.....

Not edited yet.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon