Chapter 22

60 5 0
                                    

Not edited yet

Eya's POV





"Bro okay ka na ba talaga?" Rinig kong sabi ng napaka pamilyar na boses. Parang ka boses niya si Cyjan.

"I'm fine." sagot ng lalaking mas malapit sakin. Eto naman parang ka boses ni Ian. Nananaginip ba ko? Ba't wala akong makita kundi dilim lang?

"Here kumain ka muna ng breakfast." Rinig kong sabi ng bagong boses pero pamilyar din. Ka boses niya naman si James.

"Hindi pa ba natin siya gigisingin?" Takang tanong ng bagong lalaki na pamilyar din ang boses. Si Brent naman ang ka boses ng lalaking to. Bakit ang daming boses ng mga lalaki? Asan sila? Ba't hindi ko sila makita?

"Mamaya nalang, mukhang pagod eh." Rinig kong sagot ng ka boses ni James. Bakit ko ba sila napapanaginipan!? Pati ba naman sa panaginip!?

"HHWS talaga kayo?" natatawang sabi ng ka boses ni Brent. Anong HHWS? Akala ko ba HHWW?

"What's HHWS?" takang tanong ng ka boses ni Cyjan.

"Holding hands While Sleeping." tugon ng ka boses ni Brent. "Tignan niyo naman oh, magka holding hands si Ian at Sun." Tuloy ng ka boses ni Brent. Ako ba pinag-uusapan nila? Narinig ko Sun eh, siya lang naman tumatawag sakin Sun. at ano daw, holding hands kami ni Ian?

"Tss." yun yung narinig ko sa lalaking malapit sakin.

Kailangan ko ng gumising sa bangungut nato. Kung ano-ano na ang iniisip ko, baka mabaliw na ko. Gumalaw ako kaonti pero natigilan din nung sumakit ang likod ko.

"Oh gising na pala si Sun." Rinig kong sabi ng ka boses ni Brent. Bakit ko pa sila naririnig kong gising na ko? unless...Nagmulat ako ng mata at tumambad sakin ang kamay kong nakahawak sa kamay ni...IAN!?

"What the..." Agad kong binitawan ang kamay niya at napatayo sa inuupuan ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko yung tatlo nakaupo sa sofa. Naka-uniforms na sila.

"Good morning Sun, your morning look suits you." Nakangising sabi ni Brent sabay kindat.

"WHAT!? UMAGA NA!?" sigaw ko na ikinagulat nila. Agad kong kinuha ang phone ko sa side table. Mag te-ten na ng umaga! Naku late na ko nito at patay ako kay Lai! Ang dami niyang tawag at text! Patay! Napapikit nalang ako at huminga ng malalim. Na-miss ko na ang dance class ko. Matatapos narin ang science class ko.

"Teka, ba't kayo nandito? Diba may pasok pa tayo." Tanong ko sa tatlo na kumakain na.

"We skipped, Ian needs us more." Sagot sakin ni Brent na nagpaasim ng mukha ni Ian.

"Bakla!" Binatohan ni Ian si Brent ng unan na tumama sa likod ng ulo niya. Tumawa naman ang dalawa.

"Here, para makapagpalit ka." Tumayo si Cyjan at binigay niya sakin ang isang paper bag. Sinilip ko naman kung ano nag nasa loob. Mukhang damit at may tooth brush din.

"Thank you. C.R. lang ako." Tugon ko at naglakad na papasok sa C.R.

Nung nasara ko na ang pinto dun ko lang narealize kung kamusta na si Ian. Well, sabi naman niya okay na siya kanina at mukhang malakas na siya dahil malakas ang pagkakabato niya ng unan kay Brent.

Kailan kaya siya nagising? Kagabi ba? Ba't hindi niya ko ginising? Or kanina lang, tapos dumating na sila Cyjan?

Nagkibit balikat nalang ako at naligo na. Meron din sabon na binili nila Cyjan pero sabon lang! Walang shampoo at conditioner, pero okay lang. Sanay na ko, kadalasan sabon lang ang ginagamit ko sa poder ng nag-ampon sakin.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon