Chapter 14

66 4 0
                                    

Not edited yet. Sorry for typos and wrong grammars.

Third Person's POV


Kanina pa hindi nakakapag laro ng maayos si Ian. Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng takot at kaba sa dibdib niya. Palagi niya rin tinitignan ang relo niya at palagi niyang tinitignan ang entrace ng gym.

'You should be here right now Eya, where the hell are you?'

Sabi niya sa kanyang isipan. Habang nakaupo naman si Ian sa bleacher nasa likod niya ang mga kaibigan niya na nagkatingin at na wiwirduhan sa inaasta ni Ian.

"Bro, kanina ka pa tumitingin sa entrance may hinihintay ka ba?" tanong ni Brent kay Ian. Hindi naman umimik si Ian at patuloy siyang nakatingin sa entrance.

"Bro, is there a problem?" tanong ni Cyjan, hindi parin umimik si Ian.

Wala ng pasensya si James kaya binatukan niya si Ian. Agad naman nagmura si Ian at masamang nilingon si James.

"Ano ba!? Kanina ka pa tulala diyan bro! Sino bang hinihintay mo!?" inis na tanong ni James. Napabuntong-hininga si Ian, magsasalita na sana siya kaso nagsalita ang coach nila.

"Okay, that's it for today guys. Good job, see you tomorrow." ani coach. Agad naman kinuha ni Ian ang bag niya at umalis dun. Tumakbo pa ang tatlo niyang kaibigan para mahabol siya.

"Huy, hintay lang naman bro nagmamadali!?" sigaw ni Brent. Patuloy lang naglakad ng mabilis si Ian.

"TULONG!" napatigil si Ian sa paglalakad nung may marinig siyang sigaw ng isang babae.

"Sino yun?" takang tanong naman ni Brent nung makalapit na sila kay Ian.

Bigla naman tumakbo si Ian palabas ng school, papunta sa parking lot. Napatigil siya nung makita si Eya na walang malay habang pinapasok siya ng isang lalaki sa itim na kotse.

Nagdilim ang paligid ni Ian at tumakbo siya papunta sa kanila. Nasa likod niya naman yung tatlo at nanlaki ang mga mata ni James nung makita kung sino ang lalaking yun. Napatingin siya sa loob ng sasakyan kung nasan si Eya na walang malay.

Nung makalapit na si Ian sa lalaki hinila niya ang braso nito, gulat naman nilingon ang lalaki si Ian at hindi niya ina-asahang kamao ni Ian ang masasalubong niya. Napahawag siya sa bagang niya at napaupo sa lupa.

"Fuck you!" sigaw ni Ian at hinawakan ang kwelyo ng lalaki at sinuntok ulit. Susuntukin ulit sana ni Ian yung lalaki pero pinigilan siya ni Brent at Cyjan.

"Ian, that's enough." sigaw ni Cyjan. Lumapit naman si James sa lalaki yun at hinawakan ang kwelyo nito.

"Ikaw nanaman! Hindi mo talaga titigilan si Eya no!?" sigaw ni James at sinuntok ang lalaki. Pinigilan naman siya ni Brent. Naghina na ang lalaki at nagdurugo ang kanyang ilong at bibig.

"Ano ba kayong dalawa ha!?" mahinahong tanong ni Brent.

"Stay the hell away from her!" sigaw ni James sa lalaki. Nagtaka namang tumingin si Ian, Cyjan, at Brent kay James. Pareho sila ng iniiisp ngayon.

Paano kilala ni James ang lalaki?

Agad naman napalingon si Ian kay Eya na wala paring malay sa loob ng sasakyan ng lalaki. Pumiglas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Cyjan at tumakbo papunta sa shot gun seat. Binuksan niya ang pinto at mahuhulog na sana si Eya pero nasalu niya to.

"Eya wake up." hinaplos niya ang pisngi ni Eya, pero hindi ito nagising. Binuhat niya si Eya ng bridal style at naglakad siya papunta sa sasakyan niya. Tinulungan naman siya ni Cyjan na buksan ang pinto ng sasakyan niya.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon