(Author's note: Contained Abused )
Not edited yet sorry for the typo and wrong grammars.
--------------------------------------------
Eya's POV
Paggising ko hindi maganda pakiramdam ko. Parang ayokong umalis sa pagkakahiga sa kama ko, kaso kailangan dahil maaga kami ngayon ni Lai para sa dance practice namin.
Tamad akong nag-ayos. Nag-suot ako ng leggings at white t-shirt para hindi na ko magpalit sa school mamaya. Dinala ko rin yung uniforms ko dahil baka pagalitan ako ni Dean na hindi ko suot ang uniform ko.
Pagkatapos naming kumain ni Lai umalis na kami agad. Nagsalpak ako ng earphones at tumingin lang sa labas. Habang si Lai naman umidlip muna, sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi parin mawala sa isipan ko ang bago kong ala-ala. Yung lalaking nakita ko sa panaginip ko kagabi. At yung baril na hawak niya.
Kailangan kong hanapin ang lalaking to dahil siya ang bumaril kay Grace. Sa totoo kong nanay.
Pagdating namin ni Lai sa school pumunta pa kami sa C.R para makapagpalit si Lai. sinuot niya kasi yung uniforms niya.
"Huy, ba't maputla ka?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa dance room. Tapos na siyang magbihis.
Bumuntong-hininga ako at yumuko. "Masakit lang ulo ko." tugon ko.
"Okay ka lang?" napatigil siya sa paglalakad at hinila ang braso ko kaya napatigil din ako. Hinawakan niya ang noo ko. "Huy, may lagnat ka bes. Ang init mo! Pwede na kong magprito ng manok diyan sa noo mo!" sabi niya, inirapan ko naman siya at naglakad na.
"Punta ka muna kaya sa clinic?" sabi niya nung nasa tabi ko na siya.
"Okay lang ako, lagnat lang naman to." tugon ko.
"Kahit na no!? Baka mahimatay ka nanaman gaya nung bata ka." sabi niya. Hindi ko na siya sinagot at bumuntong-hininga nalang.
Pagkatapos ng dance practice namin mas lumala ata ang pakiramdam ko. Nakatayo ako ngayon at nakasandal sa pader malapit sa dance room dahil hinihintay ko si Lai.
Bigla akong nahilo at matutumba na sana kaso nasalo ako ni Sean. Member din siya sa dance at kaibigan namin ni Lai.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.
"Oo, okay lang ako salamat." tugon ko.
Inalalayan ako ni Sean maupo sa malapit na bench na nandun. Tinanong niya kung nasan yung water bottle ko sinabi ko naman sa kanyang nasa loob ng bag ko kaya kinuha niya yun at binigay sakin.
"Oh, anong nangyari?" nagpalingon ako kay Lai na salubong ang kilay niyang nakatingin sakin.
"Nahilo si Eya kanina." tugon ni Sean. Nakaupo siya sa tabi ko at pinanood akong uminom ng tubig.
"Yan na nga pang sinasabi ko sayo Yanyan eh, pumunta na nga tayo sa clinic mukhang mas lumala yang lagnat mo dahil pinagod mo sarili mo." sermon sakin ni Lai.
"Sasama na ko sa inyo para may umalalay sayo." napalingon naman ako kay Sean.
May taglay din siyang kagwapuhan, macho din ang pangangatawan niya. Curly ang hair niya, matangos na ilong, at bilong na mata. Mabait si Sean, friendly din siya kaya siya ang una namin naging kaibigan ni Lai sa dance. Marami din mga babaeng nahuhumaling sa kanya. Kung hindi ang apat ang tinitilian nila malamang si Sean yun.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...