Chapter 21

55 3 0
                                    

Not edited yet

Eya's POV





"Kamusta na po siya Doc?" Tanong ko sa doctor na kakadating lang sa ER. Nakahiga ngayon si Ian sa hospital bed na walang malay.

Nawalan siya ng malay kanina habang nasa gym parin kami, kaya sinugod na namin siya sa hospital. Nasa kabilang kama naman ang tatlo, ginagamot palang ng nurse. Pero kanina pa sila hindi matapos-tapos dahil lumalandi sa mga sexy'ng nurse. Hay naku, kung hindi lang sila nabugbog baka ako ang mambugbog sa kanila ngayon. Para magising sila na hindi ito ang oras ng paglandian dahil walang malay ang hari nila.

"He's fine, he just needs a lot of rest because he got hurt pretty badly caused by the baseball bat. He also needs to stay here for 1-2 days or until he wakes up so we can monitor him." tugon ng Doctor. Nakikinig narin ang tatlo samin, buti naman at pinaalis na nila ang mga nurse. Kanina pa sila nakatingin sakin na hinihusgahan nila.

Sa kanilang apat si Ian talaga ang mas malala ang natamo. May mga pasa din sila Cyjan kaso mas madami kay Ian. nanlaban kasi daw siya kanina at siya ang unang binugbog ng mga kasamahan ni Brian.

"Are you sure Doc? He only needs a rest? No operation or something?" Naga-alalang tanong ni James. Kumunot naman ang noo kong tumingin sa kanya. Seriously? Pasa lang yan hindi niya kailangan ng operation! Well, malapit sa bituka ang natamaan sa kanya ng baseball bat pero matagal mamatay ang masamang damo ika nga nila.

"He's fine. I'm positive that he only needs a rest to gain his strength. Well, I need to go. I assigned someone to check on your friend, while he's here. I will visit him later when he gets his room. Excuse me." Nakangiting paalam ng doctor.

"Thank you doc." Tugon ko, nginitian niya lang ako at tinanguan.

Bumuntong-hininga ako at umupo na ulit sa upuang nasa tabi ng kama ni Ian. Sinabi ko sa tatlo na tawagan ang Mommy ni Ian kaso hindi daw pwede dahil mag-aalala yun. Syempre mag-aalala ang mga magulang, sino ba kasing hindi!? Tsaka daw pag nalaman nila ang nangyari magra-grounded si Ian ng ilang linggo. Hindi ba okay yun para makapagpahinga siya ng mabuti?

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko nung tumunog ito. Tumatawag si Lai! Napasapo ako sa noo nung naalalang hindi ko pala siya natawagan kanina.

"Excuse me." Paalam ko sa tatlo at lumabas na sa kurtina at sinara ulit ito. Pumunta ako sa may bench at umupo dun.


"Lai?" Sagot ko sa tawag nung nakaupo na ko.


["Tapos na ba ang tutor niyo?] tanong niya. Bumuntong-hininga naman ako at sumandal sa inuupuan ko.


"Hindi...Nasa hospital ako." Narinig ko siyang nasamid at umuubo sa kabilang linya. Kailangan ko ng ihanda nag tenga ko, tyak na dudugo ito.


["ANO!"] para akong nakarinig ng bombang sumabog sa lakas ng boses ni Lai.


"Lai ang ingay mo." Sita ko sa kanya.


["Anong ginagawa mo diyan sa ospital!? Anong nangyari sayo!? Okay ka lang ba!? Kailangan ka bang maopera!? May ipon ako bes!? Ano!? Sabihin mo!? Sinong nanakit sayo!? Gusto mo bang patayin ko yun!? Ay hindi pala ikulong nalang, ayokong makulong. Ano!? Hello!? Nandiyan ka pa ba!? Bes naman oh, magsalita ka naman!? Patay ka na ba!? BES!?"] Sunod-sunod na sabi ni Lai. Napasapo nalang ako sa noo ko at mas lalong bumuntong-hininga.


"Lai relax ka lang. Okay lang ako, si Ian ang hindi okay. Nabugbog siya ng mga kasama ni Brian." Paliwanag ko sa kanya.


["Sinong Brian?"] Takang tanong niya.


Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon