Eya's POV
"Jusko Yanyan! Gumising ka na, dahil mala-late nanaman tayo!" sigaw ng magaling kong kaibigan na si Lai. Umagang-umaga ang ingay nanaman niya!
Umungol ako sa inis. Kinuha ko yung magkabilang dulo ng unan ko at tinakpan ang tenga ko. Sira ang phone ko dahil sa dragon nayon! Kaya sinabi ko kay Lai na gisingin ako. Pero hindi ko naman sinabing ganito ang lakas ng volume ng magiging alarm ko!
"Yanyan!" sigaw niya ulit.
"Putangina naman Lai oh!" sigaw ko at umupo ako sa kama ko.
"Bilisan mo!" sigaw niya ulit. Napabuntong-hininga ako.
"Oo na, eto na!" sigaw kong tugon. Ginulo ko muna ang buhok ko dahil sa inis bago ako tumayo sa kama ko at inayos yun.
Padabong akong tumayo at pumasok sa C.R. Ang sakit ng ulo ko dahil kulang ako sa tulog. Gabi na kasi nung matulog ako kagabi kakaisip sa napanaginipan ko. Sinearch ko pa yung pangalan'ng Grace sa fb, ig, at twitter kaso ang rami at hindi ko alam kung ano ang Surname niya. Santos is not my real surname, binigay lang sakin yun ng nagampun sakin.
Mabilis lang ako naligo. Simple lang din ang suot ko, pantalon ulit at white crop top. Nilagay ko ang buhok ko sa messy bun dahil ang init nanaman ngayon. Pagkatapos kong magsipilyo bumaba na ko para kumain ng breakfast.
"Oh, kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Lai, nung maupo ako sa harap niya. Nagti-timpla siya ng kape niya, pinapanood ko naman kung paano niya inikot-ikot ang kutsara sa baso.
"Okay na ko, nag panic attack lang yung asthma ko." tugon ko. Napapikit ako at napailing-iling. Tumayo ulit ako para kumuha din ng baso at magkape din. Wala kong ganang kumain ngayon pero gutom ako kaya kumain nalang ako.
Pagkatapos naming kumain ni Lai, umakyat muli ako para magsipilyo. Nag-spray muna ako ng pabango sa sarili ko bago ako bumaba. Tulala lang ako habang nakasakay kami ni Lai sa bus. Hindi ganun ka-traffic ngayon kaya mabilis ang takbo ng mga sasakyan. Pinanood ko ang mga taong naglalakad sa dulo ng kalsada habang nag-aabang ng masasakyan nila.
Nung nakarating na kami sa Manila, kailangan pa namin ni Lai sumakay ng jeep. Tinakpan ko rin ang ilong ko gamit ang panyo dahil sa usok. Siksikan din sa loob ng jeep kaya nahihirapan din ako huminga pero sanay na ko kaya okay lang.
"Okay ka lang?" bulong sakin ni Lai. Nilingon ko siya at tumango. Ngumiti ako sa kanya, kaso naalala kong may panyong nakatakip sa mukha ko kaya hindi niya nakita ang pagngiti ko.
"Mama, para!" sigaw ni Lai nung marating na namin ang babaan malapit sa school. Huminto naman ang jeep at bumaba na kami ni Lai dun at ang iba pang mga estudyante. Naglakad pa kami konti bago kami makarating sa school.
Dumeretso agad kami ni Lai sa locker namin. Pagbukas ng locker ko, natigilan ako at nagulat nung mahulong ang malagkit na syrup sa ulo ko pababa sa katawan ko! Nagtawanan ang mga estudyanteng nakakita, tumigil pa ang iba para lang mapitchuran ako at pagtawanan.
Umatras ako at tumingin sa itaasan ng locker ko. May isang balde dun na nakatali sa kisame at konektado ang pagkakatali ng lupid sa locker ko kaya nung binuksan ko yun nabuhos sakin ang syrup!
"Eya!? Oh. My. Ghad. Ghurl." napalingon ako kay Kate at Leah na gulat na makita akong ganun.
"What happened?" takang tanong ni Leah. Gusto sana niya kong hawakan pero malagkit ako kaya umatras siya.
"Hindi namin alam, nung binuksan ni Yanyan ang locker niya may bumuhos nalang na syrup sa kanya." sagot ni Lai, sabay turo sa balde na nasa taas ng locker ko.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...