Chapter 36

62 4 3
                                    




Eya's POV


"I-ikaw!?" gulat kong sigaw kaya na bigla sila dahil sa lakas ng boses ko. Bakit siya!? Akala ko ba dapat teacher ang magiging tutor mo!? He's a freaking student not a teacher!

Tumayo na siya ng tuwid at tiningnan ako. Nakakaloka! Ba't siya!?

"We need to go, may pupuntahan pa kami." Paalam ni Brent. Tulala ko lang pinanood ang tatlong lumabas sa gym. Paglingon ko kay Ian nakatingin na siya sakin. Napakunot naman ang noo ko dahil nginisian niya ko at naglakad na paalis sa gym.

"Wait lang hintayin mo ko! Yung bag ko---"

"Na saakin na." sabi ni Ian habang patuloy parin siya sa paglalakad. Hindi ko man lang napansin na hawak niya na pala ang bag ko.

Hinabol ka na siya at nanatili sa likod niya. Hawak ko parin ang bola, sa kanila bato or sa gym? Pero may pangalan sila eh, baka kay Ian to? Nung makarating na kami sa parking lot binuksan niya ang pinto sa likod at nilagay dun ang bag ko.

Pumasok na din ako sa loob, hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako ng pinto. Pagkasakay niya sa sasakyan niya in-start niya na ang kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Sinuot niya na ang seatbelt niya gamit ang isang kamay niya.

"Sa bahay." tugon niya. Gulat ko naman siyang tinitigan. What!? Bakit kami pupunta sa bahay nila!?

"Magsisimula na ba tayo ngayon!? Hindi ba pwedeng bukas nalang." Pagmamakaawa ko. Ba't agad-agad!? Hindi ba pwedeng isang araw pahinga or di kaya pagkatapos ng Intrams. Sure ako na busy siya sa pag practice eh dahil next week na ang Intrams.

Hindi niya ko pinansin at pinaandar niya na ang sasakyan. Mukhang sasabog na ang utak ka simula ngayon!

Pagdating namin dun sa mansyon nila, pinagbuksan kami ng guard. Binati niya kami ni Ian at ganun din kami. Pagpasok namin sa loob, walang tao.

"Manang." tawag ni Ian kay manang. Napalingon naman kami sa kusina nung lumabas dun si Manang .

"Oh hijo nandito ka na pala."

"Magandang gabi po manang." bati ko sa kanya. Mas lumapad ang ngiti niya nung lingunin niya ko.

"Mgandang gabi din sayo hija. Kamusta ka?" Tugon ni manang. Nginitian ko naman siya.

"Okay lang po ako manang, kayo po?"

"Sa awa ng diyos maayos naman ako hija." Tugon ni manang. "Tsanga pala, aalis kami ngayon kailangan namin pumunta sa Tagaytay dahil may kailangan daw ng mommy mo. Nakapagluto na ko, ipainit niyo nalang kung kakain kayo." Tuloy ni manang.

"Sige manang salamat po. Mag-iingat po kayo." tugon ni Ian.

Nung umalis si manang dun ko lang napagtanto na kami lang ni Ian ang nasa loob ng mansyon nila. Well, meron naman yung guard kaso na sa labas siya. 

Nilingon ako ni Ian at sinenyas na umakyat kami sa taas. Napalunok naman ako bago ko siya sundan pataas.  Pumunta kami sa study room kung saan kami pumunta noon. Nilapag ko ang bag ko sa lamesa at pag kaharap ko nagulat nalang ako nung halikan ako ni Ian!

Napaatras ako at napasandal sa lamesa. Pilit ko siyang tinutulak at hinahampas kaso ang lakas niya! Natigilan lang ako sa paghampas sa kanya nung hawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya.

Nung bitawan niya ang labi ko pinagdikit niya ang noo namin. Habol hininga kaming dalawa. Nag-mulat ako ng tingin nung hindi ko na maramdaman ang noo niya sa noo ko. Nakatingin siya ngayon sa mga mata ko.

Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon