Not edited yet
Eya's POV
Monday na ulit ngayon. Nagkita ulit kami ni Ian kahapon sa isang library para itutor ko siya. Ganun parin naman ang nangyari, tinuruan ko lang siya ng math. Hindi rin kami nagtagal dahil may practice din siya ulit sa basketball.Nakasakay kami ngayon ni Lai sa bus. Nakatanaw nanaman ako sa labas at iniisip ang mga problema ko. Tulad nalang ng yung nag-ampon sakin, yung kasal na sinasabi nila, yung magiging desisyon ko at kung ano-ano pa.
"Huy bes ba't parang ang lalim ng iniisip mo?" Takang tanong ni Lai, nilingon ko siya at tsaka nakangiting umiling.
"Wala..." Tugon ko at tumingin ulit sa labas. "Pagod lang ako." Tuloy ko. Bumuntong-hininga ako.
Hindi ko na sinabi kay Lai ang tagpuan namin ng nanay-nanayan ko. Ayoko siyang idamay at ang pamilya niya. Pati narin sila Aning. Paniguradong may gagawin nanaman silang hakbang na hindi ko malalaman kung sasabihin ko sa kanila.
Nung nakarating na kami sa school, kagaya ng dati dumeretso na kami sa dance room para mag-practice. Sa Friday na ang Acquaintance Party, kaya todo effort kami sa pagsasayaw ngayon.
"Hey guys!" Agad na sumalubong samin ang nakangiting mukha ni Sean. Masayahin na tao talaga tong si Sean, hindi mo mamalayang napapangiti ka niya sa simpleng pagngiti niya.
"Huy pare!" Naki high five si Lai kay Sean. Ganyan talaga sila pag nagkikita, puro high five. Tsaka Pare talaga ang tawagan nila, hindi ko alam kung bakit. Parang mas close na sila kay sa sakin eh.
"Hi Eya." Matamis na ngumiti sakin si Sean. Napangiti din ako sa kanya.
"Hi Sean." tugon ko sabay apir din sa kanya.
Naglakad na kami papasok sa dance room at umupo sa mga bleachers. Ilang minuto pa kami nagkwentuhan bago dumating si Ms. Kyla. Agad kaming nagpractice sa sayaw.
Pagkatapos ng dance practice pumasok na kami ni Lai sa Science class namin. Which is si Ms. Blint ang teacher namin
Nagsulat at nakinig lang kami kay Ms. Blint, buti naman at wala siyang ipapaexam samin ngayon. Ang hirap kaya puro quiz at test ang ginagawa namin almost everyday. Para daw mas matututo kami sabi ni Ms. Blint. Hay naku sasabog na ang utak ko dahil sa kakatest at quiz na yan. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang mga natutunan ko ngayon dahil punong puno na ang utak ko! Dumagdag pa ang mga problema ko!
Nung tapos na ang Science pumunta na kami sa English class namin. Which is si Mr. Chifo ang gwapo at hot naming English teacher. My Ghad! May test kami ngayon kaya nung dumating si Mr. Chifo agad kaming nag-test.
Napalingon ako kay Lai nung kanina pa siya punas ng punas ng ilong. May sipon ba siya? Sinulyapan ko muna si Sir na busy sa pagma-mark ng mga dati naming test.
"Huy Lai, ba't ba ang dami mong tissue?" Bulong kong tanong sa kanya. Sinulyapan din niya muna si Sir bago siya bumulong sakin.
"Naghanda kasi ako, baka duguin ilong ko..." Bulong niya sakin, sumulyap ulit siya kay Sir ganun din ako. Mukhang hindi kami narinig ni Sir dahil busy parin siya sa mga test paper namin. "Tsaka pinupunasan ko ang ilong ko just in case tumulo ang dugo ng hindi ko alam." Patuloy niya. Napailing-iling nalang ako at pinipigilan tumawa
"Kung sino man ang nagsasalita please be quiet." Rinig kong sabi ni Sir. Agad kaming nagkunwari ni Lai na busy sa test namin. Tapos na ko, ayoko ng i double check dahil sasabog na talaga ang ulo ko.
Pagkatapos ang english class, lunch time na! Buti naman dahil kanina pa ko gutom kahit kumain ako ng almusal. Kailangan kong pakainin ang tiyan ko baka sa kaling gumana ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
RomanceBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...