(Author's Note: Hindi ko alam kung meron bang bus na mag-travel Bulacan to Manila, pero kung wala sa totoong buhay dito meron. Hahaha.)
Not edited yet. Sorry for the typo and wrong grammar.
----------------------------------
Eya's POV
Monday nanaman ngayon kaya maaga ako nagising. Bumili ako ng clock na may alarm, hindi cellphone dahil ang mahal. Tsaka hindi ko naman kailangan ng bagong cellphone, wala naman tumatawag sakin at wala naman akong tatawagan. Pwede naman akong humiram kung may tatawagan ako, kabisado ko naman lahat ng number sa phone ko.
Pagkatapos kong maligo sinuot ko na yung uniforms ko. First day naming magsuot ng uniforms ngayon. Maikli yung palda, hanggang taas ng binti ko pero hindi naman ako masisilipan dahil may short naman akong suot. Nagsuot ako ng itim na mid-calf socks. Binaba ko lang itim na mahabang straight kong buhok.
Nung bumaba na ko agad akong nagluto ng agahan namin ni Lai. HIndi ko alam kung natutulog pa siya or naghahanda. Nagluto ako ng hotsilog, dahil madali lang. Nung tapos na kong magluto umakyat ako sa taas para gisingin si Lai.
Kumatok ako ng ilang beses sa pinto pero walang sumagot kaya binuksan ko na ang pinto. Bagbukas ko palang hilik agad ang bumungad sakin.
"Lengleng!" sigaw ko, naglakad ako palapit sa kama niya at hinampas ang puwet niya.
"Ano ba!?" reklamo niya. Niyakap niya ng mas mahigpit ang unan na yakap niya.
"Gumusing ka na, male-late na tayo!" sabi ko at pinalo ulit ang puwet niya.
"5 more minutes." inis na sabi niya at nagtaklob pa talaga siya ng kumot.
Hinila ko naman ang kumot. "Hindi pwede, male-late tayo sa class ni Ms. Blint. Paniguradong sasabog yun sa galit kung male-late tayo." tugon ko. Nag tu-tug and war na kami sa paghila ng kumot niya. Nung hinila ko ang kumot nahila ko rin siya paupo sa kama niya, agad ko yun binitawan nung sumasakit na nag braso ko kaya napahiga ulit siya.
"Argh! Kung mag-skip nalang tayo sa class niya!?" sabi niya sabay upo ulit sa kama.
"Tch! Alam mo naman kung nag-skip tayo kinabukasan may quiz tayo. Kaya tara na, hintayin kita sa baba, bilisan mo gutom na ko." sabi ko tsaka ako lumabas sa kwarto niya at sinarado ang pinto.
Nung tapos na kaming kumain agad kaming umalis ni Lai sa apartment. Dahil taga Bulacan pa kami ni Lai, dalawang oras din ang biyahe namin papunta sa Manila, nag-jeep pa kami papunta sa school at naglakad kaonti papaunta sa school.
"May dance practice nanaman ba tayo ngayon?" tanong ni Lai. Naglalakad na kami papunta sa science class namin.
"Oo, after school." tugon ko.
"So, gagabihin nanaman tayong makakauwi?" tugon niya.
"Malamang." natatawa kong tugon.
Paakyat na kami ni Lai nung may marinig kaming tilian. Napabuntong-hininga nalang ako dahil alam kong nandito na yung apat.
Napatigil lang ako sa pagakyat nung may tumambad sa harapan ko ng itim na sapatos. Nag-angat naman ako ng tingin kung sino yun at laking gulat kong makita si Ian pala yun. Seryoso siyang nakatingin sakin at nakapamulsa pa ang loko.
Nakatinginan lang ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Nasa likod niya naman ang tatlo, nasa likod ko naman si Lai. Mas gwapo siya sa uniform niya ngayon! My ghad my problema na ata tong utak ko! Kailangan ko rin ng salamin! Pero hindi ko talaga maitatangging ang gwapo niya, ugali niya lang ang panget! Perfect na sana siya eh. Tsk! Tsk! Tsk!
BINABASA MO ANG
Missing Reminiscence (𝘉𝘰𝘰𝘬 1)
عاطفيةBook 1: Lumaking mabait, masiyahin, at mapagmahal si Eya, meron din siyang katarayan at hindi nagpapaapi. Pero sa likod ng mga ngiti niyang yun, may masaklap siyang nakaraan. Hindi niya nakilala ang totoo niyang pamilya at masama ang trato sa kany...