CHAPTER 11

55 5 1
                                    

"Bakit ka umiiyak?" tinabig ko ang kamay niya at pinunasan ko ang luha ko sabay tanggal ng kumot.

"Pagod na ako." di ko na hinintay na magsalita sila at nagmamadali akong lumabas sa theater.

        Naramdaman kong nagpatuloy ang luha na kanina'y naudlot. Bakit naaapektuhan pa rin ako? Nakakainis! Isang taon na ang nakakalipas, Angel! Can't you understand?! He is in love with your bestfriend! Don't make things complicated! Wala ka ng magagawa kung sila ang nakatadhana at ikaw, dakilang EXTRA sa buhay nila!

       Hindi na ako pumasok sa mga sunod na subject. Natulog lang ako sa clinic. Kinukulit nga ako ni Ate Mae e. Pero minabuti ko na lang na manahimik. Nang marinig kong maingay na sa hallway, lumabas na ako.

       Pumunta ako sa parking lot kung saan ko pinapark ang bike ko, pero bigla kong naalalang nagtaxi pala ako papunta dito. No choice! Maglalakad ako. Nasira kasi yung bike ko matapos nang maaksidente ako.

       Pumunta na ako sa main gate para doon maghintay ng dadaan na taxi nang makita kong may nakaabang na kotse sa harapan ng gate. May lalaking nakatayo sa hood nang kotse at biglang napatingin... sa akin?

      Tinanggal niya ang sunglass niya at...

"Kevin?" then he smiled.

"Oh my gee! It's Kevin Sy!" kilig na tili ng isang babae na malapit sa akin. Aba! sikat ang mokong!

"Oh gosh! He is so freakin' hot!" komento pa ng isang babae na kasama niya.

"Anong ginagawa ng isang super hot model na yan dito?" isang model? Ito? Hmmm.... well, maganda nga ang tindig niya. Gwapo. Ma-appeal. Makisig na pangangatawan. Hot tingnan. Ok. Fine. Mukha ngang model. -_-

"It's for me!" sigaw ng isa pang babae. Mga assumera ito. -.-

"Hey!" napatingin naman ulit ako kay Kevin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ganyan ka ba talaga ka rude? Ni hindi ka man lang nagsorry dahil muntik mo na akong masagasaan. Hindi ka man lang nag-thank you dahil hinatid kita sa school mo."

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"To show some 'utang na loob'?"

"Umasa ka. Hindi ko gagawin yun noh." then I rolled my eyes.

"Kahit kailan talaga napakasungit mo. Pasalamat ka mabait ako."

"Oo na lang." sagot ko in a bored tone. Muli ko siyang tiningnan nang maalala ko kung ano nga bang dahilan bakit siya nandito. "Oo nga pala, anong ginagawa mo dito?"

"I'm waiting for you." muling lumakas ang mga bulungan.

"Hala! Sila ba?!" komento ng mga babaeng nakapaligid sa amin.

"Ang swerte naman niya!"

"Huhuhuhu! Sana ako na lang siya!"

       Napataas naman kilay ko sa narinig ko lalo na sa sinabi ng bakulaw na 'to.

"Ako? Bakit mo ko hinihintay, ha?"

"Para magbayad ka na sa mga utang mo."

"Sa pagkaka-alala ko, wala akong inutang sayo." nagcrossed arms pa ako with matching taas ng isang kilay.

"Meron. Inutang mo ang oras ko sa paghatid sayo dito noon, kaya uutangin ko rin ang oras mo." nagsitilian naman ang mga babaeng kere-kere na nasa gilid namin.

"Ako na lang Kevin Sy!!!! Aaaaaaaa!!!!!"

"Wag sa kanya!!! Mas maganda ako diyan!!! Ako na lang!!!" wow ha! tiningnan ko naman yung sumigaw nun at halos idisplay na niya ang *toooot* niya dahil sa ikli ng palda niya. Whore. -.-

"Ano? Sakay na." binuksan na niya ang pinto sa may passenger's seat.

"Excuse me!" napatingin naman ako sa sumigaw.

       Si Jester nakasakay sa motor at nakaangkas sa likod si Sandra. Napatingin naman si Jester sa akin, pero mas tinitigan niya si Kevin. Ano bang meron sa dalawang 'to?

"Angel?" naputol ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni Kevin. Tiningnan ko naman siya. "Tara na?"

       Ihahakbang ko na dapat ang paa ko nang magsalita si Jester.

"Sumabay ka na lang sa amin." seryoso niyang saad. Bakit naman ako sasabay sa kanila? Para ano? Ipakita kung gaano sila ka-sweet?

       Tiningnan ko si Jester at yung tingin niya para bang gusto na niya akong hilahin at ilayo kay Kevin. Tiningnan ko naman si Kevin na nakatingin kay Jester habang naka-grin. Yung totoo? Ano bang problema ng dalawang 'to at pati ako dinadamay?!

"Angel." kumunot na ang noo ko ng muli niya akong tawagin. "Dito ka na sumakay." nilingon ko naman siya.

"Sasabay ako. Kay Kevin." sumakay na ako sa may passenger's seat. Sinarado naman ni Kevin ang pinto at umikot para sumakay sa driver's seat.

"Let's go?" tumango ako ng bahagya at hindi ko maiwasang HINDI mapatingin sa side mirror kung saan nakikita ko ang disappointment na mukha ni Jester.

        Nalulungkot din ba siya dahil hindi siya ang pinili ko? Nasasaktan din ba siya dahil sumama ako sa iba? Katulad pa rin ba noon? :'(

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon