[ Angel's P.O.V. ]
Ilang araw na rin kaming nandito sa Pilipinas pero hindi kami lumalabas sa Hotel. Nasa kwarto lang ako at tila wala sa sarili. Nawala na nga talaga siguro ang sarili ko. Ni hindi ako makausap ng matino at lagi lang akong nananahimik...
Fresh pa rin sa isipan ko ang ginawa ng ex-boyfriend ko sa States na si Franz Rykel Hensel. 1 year ko siyang naging boyfriend. Only son siya ng pamilya Hensel kaya sa murang edad nagmamanage na siya ng kompanya hanggang sa nagpropose na siya sa akin pero kinabukasn nakita ko siyang kahalikan yung secretary niya! Imbis na umalis ako nun, pinanood ko pa ang pinaggagawa nila hanggang sa maramdaman nila ang presensya ko. Hinagis ko pa nga sa pagmumukha nung secretary niya yung singsing e. Kainis kaya. Pero na sa akin pa rin ang singsing,
matapos ko kasing ibato yun sa panget na secretary, iniwan ito ni Rykel sa may pintuan. At may note pa nun na...
"You are the only one, please come back to me. I'm so sorry."
Matapos nun, wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak ng umiyak. Kaya pinayagan ako nila Daddy na umuwi ng Pilipinas. To move on. Hay. Move on na naman. Kalokohan talaga ang pag-ibig.
"Wilhelm Academy." saad ni Dane habang binabasa ang registration namin sa Wilhelm. Tumingin naman siya sa akin. Alam niya kasi ang kwento sa eskwelahan na yun. Lalo na ang tungkol kay... Jester.
"What?" bored kong tanong sa kanya.
"Wala lang. Kailan tayo papasok?"
"Mamaya. Panay text yung Secretary nung dean. Kailangan na raw nating pumasok."
"Handa ka na ba?" tumingin suya sa akin ng may kahulugan. Alam ko kung anong tinutukoy niya. Kung handa na ba akong harapin sila Jester at Sandra. Nalaman kong sila na. Dahil nagpalit sila ng status sa facebook. Masakit sa akin yun. Pero ano magagawa ko? Wala ako dito nun. Kaya napansin ko si Rykel pero niloko lang ako.
"Of course." sagot ko. Alam kong matagal din akong bago nakasagot at alam ko rin sa sarili ko na hindi pa talaga ako handa. Doble ang sakit.
May kumatok sa pintuan at pumasok ang hapon na si Drake. Ayaw niyang tinatawag siyang Drake, tawag daw kasi yun sa kanya ng Daddy niya na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. Kaya pag iniinis namin siya, tinatawag namin siyang Drake.
"Uy! Magbihis na nga kayo! Ang kukupad ng mga babaeng ito."
"Manahimik kang hipon ka! Ipakin ko sayo yang doorknob e." pagtataray ni Dane sa kanya.
"Hipon ka dyan. Tatlong araw na tayong hindi pumapasok. Dalian niyo na." nakakunot na ang noon ni Drake kaya naman nagsalita na ako.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)