CHAPTER 19

96 5 1
                                    

[ Angel's P.O.V. ]

        Nakatitig ako sa buwan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Nakaupo ako sa may balcony. Ang ingay kasi ni Lyanna, praning kasi. Lagot daw siya sa Daddy ko baka raw ipabitay na siya dahil hindi niya ako nabantayan. Parang timang. -______-

[ Flashback ]

"Nakatapak ako ng thumbtacks." tumango-tango na lang ako.

"Eh ikaw? Sinadya mo bang ma-twist yung ankle mo?" 

"Excuse me?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong gusto niyang palabasin? Na sinadya kong baliin ang ankle ko?

"Hindi ba?" tiningnan niya ako na may halong pang-aasar. Ganito ba talaga ang naiisip niya sa akin?

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"To get my boyfriend's attention. Nag-success ka nga e. Galing." sarkastiko niyang saad.

[ End of Flashback ]

"Aaaargh! Like hello! Bakit ko naman gagawin yun?! Kainis!"

"Anong nakakainis?"

"Ik---" pagkalingon ko sa nagsalita, nagulat ako sa kagwapuhan ng lalaking nasa kabilang balcony. Hay... Get over it, Angel! Taken na yan!

"Kanina ka pa diyan?" umiling naman siya. Tumingala siya para matitigan ang buwan. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Kung tulad pa rin siguro noon, baka tinatangka ko na namang halikan siya ngayon. 

         Nabasag ang pang-a-abuse ko sa kanya sa aking isipan nang mapansin kong parang malungkot siya. Hindi tulad kaninang umaga nung ginigising niya ako. Nag-away kaya sila?

"Ang lungkot mo naman yata?" he chuckled.

"Tinititigan mo pa rin ako ha?"

"Kapal nito. Hindi kaya. Ang tahimik mo lang kasi. LQ?" tumingin siya sa akin at tumango.

"Ano namang pinag-awayan niyo?" hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin at parang sa akin pa yata siya kumukuha ng sagot.

Dugdug...

Dugdug...

Dugdug...

        Ito na naman... Shemay! Umiwas ako ng pagkakatitig sa kanya.

"Ikaw. Ikaw ang pinag-awayan namin." muli akong napatingin sa kanya. As in! O.O

"Ako?" sabay turo ko sa sarili ko. Tumango naman siya.

"Ikaw." napabuntong hininga siya at tumingin muli sa buwan. "Tinatanong niya kasi ako kung mahal pa rin kita." whaaaaaaaat?! Kinakabahan ako! Ano naman kayang sagot niya?! Lalo akong kinabahan ng lumipat muli ang tingin niya sa akin.

"Mahal pa rin ba kita?" nabibingi ako... tanging tibok ng puso ko ang naririnig ko...

"Angel!!!!!!" napalingon naman ako sa may sliding door at doon ko nakita si Lyanna. Napatingin naman siya sa kabilang balcony. "Oh? Jester? Anong ginagawa mo diyan?"

"Nakatira ko dito." sabay ngiti ni Jester. Lumipat muli ang tingin sa akin ni Lyanna at muling itinuon kay Jester.

"Ahhh. I see. Mauuna na kaming matulog ha. Goodnight!" hinatak naman agad ako ni Lyanna papasok ng kwarto. "Ang landi mo talaga!" sabay hampas sa akin. "May girlfriend na yun! Ano ka ba?!!!!"

"Nilalandi ko ba?" napataas naman ang isa kong kilay.

"Hay. Ewan ko sayo. Matutulog na ako." dumiretsyo na siya sa kama niya.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon