CHAPTER 3

94 6 0
                                    

"Ano bang problema mo?"

"Wala. Ikaw? Anong problema mo?" seryoso kong saad sa kanya. Lumayo siya sa akin at pumunta na sa motor niya.

       Nakatitig lang ako kay Jester habang sinusuot ang helmet niya. Sakto namang dumating si Drake.

"Hey! Sakay na." inakbayan pa ako ni Drake. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ang tagal-tagal mo! Nasaan si Dane?" kumamot naman siya sa ulo niya.

"Umalis na. May dadaanan pa raw. Tara na?" binuksan na niya ang pintuan sa passenger's seat.

        Muli kong sinulyapan si Jester na nakasakay na sa motor niya. Para bang wala siyang pake na makita ako. Bakit dati... inaagaw niya pa ako kay Gerald? Bakit ngayon parang wala lang sa kanya?

"Angel?" pumunta na ako kung nasaan si Drake at  pumasok na sa loob ng kotse. Umikot naman si Drake at sumakay na sa driver's seat.

        Pinagmamasdan ko pa rin si Jester pero maski lingon o sulyap hindi niya ginawa. Talagang wala na siyang pake sa akin porket sila na ng dati kong bestfriend?!

"Tara na?" tumango ako at pinaandar na niya ang kotse niya.

         Habang nasa biyahe kami papunta sa hotel, napapansin kong panay sulyap si Drake. Naaalibadbaran na nga ako e. Paano kasi, susulyapan ako tapos ngingiti ng nakakaloko! Sinong hindi mabubwiset nun?! Tiningnan ko siya ng masama.

"WHAT?!" irita kong tanong sa kanya.

"What?" natatawa niyang tanong din sa akin.

"May sira pala yang tuktok mo e! Titingnan mo ko with matching ngiti-ngiti pa?! Tapos magtatanong ka ng 'What?' G*go ka ba?" natawa naman siya.

"Hey, stop cussing."

"Sinong hindi mapapamura kapag nakikita ka?!" inirapan ko siya.

"Ang sama-sama niyo sa akin ni Dane. Gwapo naman ako. Pero kung makalait kayo sa akin parang mas gwapo pa sa akin si Kokey." hindi na lang ako nagsalita at baka masapak ko lang itong hapon na hipon na ito.

      Actually, hindi naman panget si Drake. Natututunan ko lang ito kay Dane dahil lagi ko silang naririnig na mag-asaran. Nung una kasi, pinagmamalaki sa amin ni Drake sa States na heartthrob 'raw' siya sa Japan. Kaya simula noon, sinasabi ni Dane na ang gwapo lang kay Drake ay yung katawan at hindi mukha. Hay. Tama na nga sa usapin na yan.

       Pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin sa labas ng bintana. Nadaanan pa nga namin ang dati naming subdivision e. Mas pinili ko talagang hindi na bumalik sa subdivision na yun dahil paniguradong guguluhin lang ako ng mga alaala.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon