CHAPTER 40

83 2 0
                                    

       Nakipagkita si Rykel kay Kevin at sabi niya sa akin na nakapag-usap na sila at sila na raw ang bahala sa aming dalawa ni Jester.

"Basta pumunta ka doon a!" saad ni Rykel mula sa kabilang linya.

"Oo na. Ewan ko sayo kung bakit mo ko pinipilit na pumunta doon." nasa taxi ako at pinapapunta niya ako sa park na hindi ko naman alam kung saan.

"Wag kang aalis doon. Pupunta raw si Kevin."

"Okay."

"Ingat Wifey!" masigla niyang saad. Napangiti naman ako. Kahit na alam niyang hindi na siya ang mahal ko patuloy pa rin ang pagtawag niya sa akin nun.

"Opo Hubby."

        Heto na naman ako sa bagong steps na ginawa ni Kevin titled "Win Jester's Heart!" Minsan naiisip ko na bakla si Kevin kung anu-anong naiisip na babae dapat ang gumagawa. Hahahaha. :D Naalala ko tuloy yung unang title na binigay niya "Pakipot Challenge" raw. Baliw yun e. Kung anu-anong naiisip.

        Nasa park na ako na ginuide ni Rykel. Naglakad-lakad muna ako dahil wala pa si Kevin. Maganda ang park na 'to. Napakalawak niya. Nasa may gilid ako ng lumang lake. Hanggang sa may parang pamilyar na lalaki akong nakikita na kasalukuyang makakasalubong ko.

       Tila napansin niya rin ako dahil kasalukuyan niya akong pinagmamasdan habang naglalakad palapit sa akin. Napahinto kaming dalawa ng magkaharap na kami.

"Uhmm, h-hi?"

"Pinapunta ka ni Kevin?" umiling ako.

"Pinapunta ako ni Rykel."

"For what?" walang emosyon niyang saad.

"Para makipagkita kay Kevin."

"That guy!" iritable niyang saad. "Tutal wala naman siya dito, mauuna na ako." dinaanan na niya ako.

"Rule no. 1 To get Jester's heart you need to be with him. Don't let him leave you."

       Bago ko pa makalimutan ang iba pang steps lumingon ako kay Jester at tinawag siya.

"Jester!" huminto naman siya sa paglalakad. "M-Mukha ngang di na dadating si Kevin." naglakad ako palapit sa kanya. "Para naman di masayang ang punta natin... why don't we stroll in this park... together?"

        Lalo namang sumeryoso ang mukha niya.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon