[ Jester's P.O.V. ]
*BRRRRRRRRRRR*
*BRRRRRRRRRRR*
*BRRRRRRRRRRR*
Kinapa ko yung cellphone ko sa side table. Dahil kanina pa-vibrate ng vibrate. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag at sinagot ito agad.
"Hel—-"
"Nasaan ka ngayon?!" nilayo ko yung cellphone ko sa tenga ko ng marinig ang sigaw ni Sandra.
"Nasa bahay ako. Kay aga-aga e." irita kong saad at muling itinapat ang cellphone sa tenga ko.
"Si Angel! Pupunta na ng STATES!!! Pagkatapos nan—-" agad kong pinatay ang tawag at bumangon sa kama.
Ano bang araw ngayon?! Nagmadali akong tingnan ang kalendaryo sa cellphone ko. Feb. 28. Birthday ko ngayon at KASAL niya. Agad akong tumakbo sa banyo para maligo.
Nagbihis na ako at nag-ayos. Ni hindi na ako kumain. Agad kong kinontak si Angel. After ilang ring, sinagot niya rin ito.
"Hel—-"
"Where are you?!"
"Sa airport. Bakit?"
"You're leaving?!"
"Tangeks! Susunduin ko si Lola. Sino naman nagsabi sayong aalis ako? Kasal ko kaya mamaya." natatawa niyang saad. Napabuntong hininga naman ako. Sira talaga si Sandra.
"Ah sige. Ingat."
"Ikaw rin. Wag kang mawawala mamaya a. Best man." masigla niyang saad. In-end ko na yung tawag. Nakababa pa naman na ako at kasalukuyang nakasakay sa motor.
*BEEP*
From: Kevin
Dude, punta ka sa bahay.
Tutal nakasakay na ako sa motor, pinaharurot ko na papunta sa bahay ni Kevin. Pagkarating ko sa bahay niya, nadatnan ko sila Sandra, Lyanna, Drake at Kevin sa may kubo sa garden. Nakikita kong nagtatawanan sila habang kumakain ng almusal. Lumapit naman ako at sinamaan ng tingin si Sandra.
"Uy Jester!" bati niya.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Novela JuvenilBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)