"Dad?"
Anong ginagawa ni Dad at Rykel dito?! Halatang gulat sila sa nakita nila. Maski naman kami noh! Biglang sumeryoso ang mukha ni Daddy.
"Faye! Come with me!" ma-awtoridad niyang saad na dahilan para magising si Lyanna.
"M-Mister Demention." kabado niyang saad. Lumingon naman sa kanya si Daddy.
"Pinababantayan ko sayo ang anak ko! Anong ginawa mo?!"
"Dad! Walang kasalanan si Yanna dito! And it's not what you think!"
"Shut up Faye." lumapit siya at hinawakan ang braso. "You will come with me." sabay hatak sa akin.
"Mr. Demention!" napahinto naman si Daddy sa pagkaladkad sa akin nang magsalita si Jester. "Stop hurting her."
"Hindi ito mangyayari kung lumayo ka na sa kanya! She'd getting married." may diin na saad ni Daddy tsaka ako tuluyang hinatak palabas.
[ Jester's P.O.V. ]
"Hindi ito mangyayari kung lumayo ka na sa kanya! She's getting married." may diin na saad ni Mr. Demention tsaka tuluyang hinatak palabas si Angel.
Naiwan naman si Rykel na kasalukuyang nakatitig sa akin ng masama. Pinantayan ko ang tingin niya.
"Hindi mo talaga siya lulubayan ha?! Ikakasal na kami!"
"Hindi ka niya mahal." walang emosyon kong saad. Nakita ko namang nagngitngit siya sa galit kaya agad akong kinuwelyuhan.
"Rykel! Stop it!" awat ni Lyanna sa amin.
"Paano ka nakakasiguro na hindi na nga niya ako mahal? Naging kami at nagmahalan kami. Kaya nga nauwi sa proposal at nag 'yes' siya dahil MAHAL niya ako. Eh ikaw?" binitawan na niya ang pagkakawelyo sa akin. Ang angas din talaga nito!
"Kahit hindi naging kami, hindi man nauwi sa proposal at hindi ko pa siya napapasagot ng 'yes', alam ko at alam naming dalawa na KAMI ang para sa isa't-isa." sinuntok niya ako ng marinig niya yun kaya ginantihan ko rin siya.
"Tama na yan! Oh Gosh! Drake!!!" naghi-hysterical na sigaw ni Lyanna.
Muli kong sinuntok si Rykel at natumba naman siya. Muli siyang bumangon at ginantihan din ako.
"Damn you! She's mine! We're getting married! And you'll be a trash!" muli ko siyang sinuntok kaya natumba siya. Muli ko dapat siyang susuntukin ng pumagitna na sa amin si Drake.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)