Nagpasundo ako kay Lyanna sa rooftop at dinala ako sa faculty kung nasaan si Sir Alex.
"Sir, inom tayo." nanlaki naman ang mata niya ng marinig yun. Napatingin din ang iba naming teachers.
"Ahehehe. Tara sa canteen. Inom tayo ng tubig."
"Ayoko nun. Akala ko po ba ia-allowed niyong uminom kami?" mwhehehehehe. Sinasadya ko talaga 'to. xD
"Ano ka ba! Ahehehe." nerbiyos niyang tawa. "Ia-allowed ko na kayong uminom ng softdrinks."
"Pero di'ba, sab---" hinatak na niya ako palabas ng faculty.
"Jusme! Gusto mo ba akong masesante?!"
"Ilibre mo ko, Sir."
"Ehem. Nandito rin ako." pagpaparinig ni Lyanna.
"Ilibre mo kami, Sir."
"Ano bang gusto mo ha?"
"Gusto ko pong uminom tayo."
"Oo n---"
"Ngayon na." pasensya na. Depressed e.
"Fine."
Pinagdrive kami ni Sir papunta sa isang club. Medyo malayo ito sa amin kaya mas maganda. Panigurado kasing nandoon si Rykel sa condo at kagagawan yun ni Drake! Yung hapon na hipon na yun! Gagawin ko siyang Tempura!
Nakaupo kami sa stool kung na saan ang beer section. Nilapitan naman kami agad ng bartender.
"Beer po." saad ko.
"Jusme! Paano pag malasing kang babae ka ha?!" natataranta na talaga si Sir Alex. Buti nga. Hahaha.
"Sir, wag ka ngang praning. Tsaka dinala mo pa kami dito kung ang ipapainom mo lang din sa amin is nestea." sabat naman ni Lyanna. Tumango-tango naman ako dahil may point naman si Lyanna.
"K. Fine. Ito na!" tumingin siya sa bartender. "Dalawang case nga ng beer paakyat sa V.I.P. room."
"Ok, sir."
Umakyat naman kami sa taas dahil nandoon ang V.I.P. room. Ang pagkakaalam ko, pagmamay-ari 'to nila Sir Alex kaya ok lang kung gaano karami ang inumin namin. ^___^
Dumating na ang dalawabg case ng beer at sinimulan na naming uminom. Napakalakas pa namang uminom ni Lyanna.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)