CHAPTER 21

71 5 1
                                    

         Hinatid na ako ni Kevin sa baba ng hotel. Pumasok na rin ako agad dahil baka maabutan pa ako ni Jester doon. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng room namin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaliwang pinto, which is... kay Jester. Pumasok na ako at agad na nagtungo sa kwarto ko. Nadatnan ko naman si Lyanna na nakahiga sa kama niya.

"Hey! Anong nangyari? Umuwi ako kaagad e. Sumama pakiramdam ko." tiningnan ko lang siya at naupo sa kama ko. "Bakit ganyan mukha mo?"

"Pagod ako." mukhang nakahalata naman siya. Kaya naman hindi na siya nagtanong pa. Nagbihis lang ako saglit at natulog na.

         Hanggang kinabukasan, kahit na may teacher, natutulog lang ako. Pinatawag pa kami ni Sir Alex sa theater.

"Congrats Class! We did it!" nagpalakpakan naman sila. "Especially ang tatlo nating main characters. Palakpakan naman natin." at muli nga silang pumalakpak.

"Napakagaling niyo talaga. Pati yung adlib niyo. Grabe! Dalang-dala niyo. I'm soooo proud of you." Hay naku. Kung alam niya lang. Ang sakit kaya ng sampal ni Sandra!

        Nagkatinginan naman kami ni Sandra at ganun din si Jester.

"At dahil diyan! Magcecelebrate tayo! Game ba kayo? Ia-allowed ko na..." bumulong naman siya. "...uminom kayo. Game?"

"Ayos, Sir!!!" sigaw ng mga classmates namin. Tumayo naman na ako dahil di ako sasama noh.

"Saan ka pupunta Angel?"

"Uuwi na."

"Sumama ka sa amin!" sigaw ni Sir Alex.

"Ayoko nga. =_=" sabay lakad ko paalis. Narinig ko naman ang pagpigil ni Sir. Pero di ko na siya nilingon. Mamaya, malasing pa ako. Kung anu-ano pang sabihin ko.

        Naglakad na ako papunta sa main gate. Uuwi na talaga ako. Napahinto naman ako ng matanaw ko si Athena, remember her? Yung girlfriend ni Tyron. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng bigla niya akong hilahin at salubungin ng sampal.

"Hayop ka! Napakalandi mo! Nang dahil sayo naghiwalay kami ni Tyron! Nagpakita ka pa sa kanya noon, para lang balikan ka niya! Ngayon hiwalay na kami, wala na ang buhay ko! Wala na siya sa akin!" hinampas-hampas pa niya ako. Ewan ko ba pero hindi ako lumaban e. Hinayaan ko lang siya. Kahit na nagmumukha akong masama lalo na't ang dami ng nanonood sa amin ngayon.

"Nasayang ang taon na pinagsamahan namin ng dahil sayo! Napakalandi mo!" napapikit ako dahil tinaas niyang muli ang kamay niya.

...

...

...

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon