CHAPTER 7

79 5 2
                                    

[ Angel's P.O.V. ]

         Kanina pa talaga ako naiinis! Paano ba naman kasi kung saan ako pupunta biglang susulpot itong si Jester! Hindi ko nga maintindihan kung anong nakain ng lalaking ito at napaka-high! -______-

"Ano ba?!" tiningnan naman niya ako na parang hindi niya alam na siya ang kinakausap ko.

"Bakit?" lalo akong nainis dahil umaarte siyang inosente.

"Kanina ka pa sunud ng sunod! Umalis ka na nga!" tinulak ko pa siya pero parang wala lang sa kanya.

"Hey, no to violence tayo." inirapan ko lang siya at nagcrossed arms.

"Tell me. What do you want?!" iritable kong tanong sa kanya.

"I just want to be your... boy friend." boyfriend? G*go ba ito? Balak pang itimer si Sandra?!

"Hoy! Wag ako! Marami pang babae diyan. Idadamay mo pa ako sa pangbababae mo!" natawa naman siya. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko?

"Ikaw ha, iba ang iniisip. Tsk. Tsk. Tsk." sabay iling-iling pa ng ulo. "Boy Friend. Lalaking kaibigan. Nasa isip mo siguro boyfriend as in... lalaking kasintahan." then he smirked. Oh please! Kill this guy! Argh!

"Lol." tinalikuran ko na siya at naglakad na. Naramdaman ko naman ang paghabol niya.

"Ikaw ha. Nagmumura ka na. Yan ba natututunan mo sa States?" tiningnan ko siya ng masama.

"Alam mo kung wala kang magawa wag ako ang pagtripan mo!"

"Hindi naman kita pinagtitripan a. Ganito na lang, isipin mong gumaganti ako sayo." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Gumaganti? Siya pa may ganang gumanti. Pambihira talaga ang lalaking ito. -_______-

"At bakit ka gumaganti?" huminto ako sa paglalakad at ganun din siya.

"Kung dati lagi mo kong sinusundan at ini-stalk, ngayon ako naman gagawa nun. Sa paraan na yun magiging close na ulit tayo. Pag close na tayo sasabihin mo na ang nangyari sayo sa States."

"Asa ka." sabay hampas ko ng bag ko pagkadaan ko sa kanya. Umalis na ako.

       Bakit ko naman sasabihing may nagpropose sa akin at niloko lang ako, para ano? Kaawaan niya. Psh. Nagtungo na ako sa canteen dahil nagugutom lang ako sa pinaggagawa nung lalaking yun.

"Isang stra---"

"Dalawang strawberry cake, isang tea at coffee please." sabay ngiti niya sa babaeng nasa counter. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanya. Yung inorder niya, yun din yung kinain naming dalawa noon.

"Ito na po, Sir." ibinigay niya ang tray kay Jester, kinuha naman niya ito at humarap sa akin.

"Bakit?" tanong niya. Dun ko napansin na nakatitig pala ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin at naunang maglakad sa bakanteng upuan.

        Naupo naman siya sa harapan ko at inilagay sa harap ko ang strawberry cake at cup of tea.

"Kainin mo na yan baka unahan ka nung langaw." nilapit niya pa lalo sa akin yung platito na may lamang strawberry cake.

       Bakit ganito? Nasasaktan ako... alam kong andito siya ngayon.. kasama ko. Pero alam kong panandalian lang... dahil may nagmamay-ari sa kanya? Akala ko ba Angel, hindi ka naapektuhan? Na wala kang pake? Bakit ganito?

"Ayaw mo bang kainin?" tanong niyang muli. Bubuka na dapat ang bibig ko ng may maupo sa tabi niya.

"Beb, hindi mo man lang sinabing kakain ka na." saad ni Sandra na tila nagtatampo kay Jester.

"Sorry, Beb. You want this?" sabay turo niya sa strawberry cake niya. Tumango naman si Sandra. Kumuha ng kaunting cake si Jester sa tinidor at isinubo kay Sandra. "Masarap ba, Beb?"

"Hmmm, yes. But, chocolate cake is the best."

"Susubukan kong kainin yun minsan. Ok?" then he smiled. Ngumiti rin si Sandra. Pinunasan naman ni Jester ang naiwang icing sa gilid ng labi ni Sandra at nang maalis niya yun may tawa-tawanan pa sila. Letse. Nandito kaya ako!

       Tandaan mo na lang, Angel. Kapag umalis ka sa kinauupuan mo ibig sabihin nasasaktan ka. Mapapatunayan tuloy ni Sandra na parang magiging harang ka sa relasyon nila.

"Kumain ka na, Angel." tiningnan ko naman siya, nakangiti naman siyang nakatingin sa akin. I... I missed his smile. Yung ngiting maniningkit yung mga mata niya habang pinagmamasdan ko siya sa malayo. Nararamdaman ko ng malapit nang bumagsak ang luha ko kaya naman minabuti ko ng tumayo at umalis.

        Bakit ko nga ba piniling bumalik dito kung alam ko lang din naman na mas masasaktan ako pag nandito ako?

"Taon na ang lumipas, Angel! Bakit ganyan ka pa rin?!" galit kong sigaw sa sarili ko. Alam kong para akong baliw na pinapagalitan ang sarili ko pero ang sakit din pala.

       Pinilit kong bumalik pero hawak ni Daddy ang visa ko. Tinatry kong kontakin siya noon sa States pero iba na yatang sim ang gamit niya. Sinubukan ko nga ring sulatan siya pero hindi ko alam ang number niya. Lagi ko rin siyang inaabangan na mag-online para makausap ko siya using video calls pero wala. Lahat naman ginawa ko noon e. :'( Ginawa ko lahat.

"Angel!" narinig kong sigaw niya mula sa swinging door ng canteen.

       Tiningnan ko siya at nakita ko ang paglapit niya. Nakatitig lang siya sa akin at pinipilit kong pigilan ang kung ano mang katangahan ang pwede kong magawa.

"Bakit ka umalis agad? Hindi ka pa nga kumakain e."

"Jester... pwede ba wag kang umasta na close tayo. Hindi na tayo tulad noon at tulad ng sinabi mo, hindi na ako ang dating Angel na nakilala mo. Kahit lumuhod ka sa harapan ko, umiyak ka man hanggang sa bumaha sa pilipinas, ibalik mo man lahat ng bagyong dumaan dito, hinding-hindi ko sasabihin ang nangyari sa States. Dahil hindi ka na parte nun." kahit masakit na ang sinasabi ko at punung-puno ng kasinungalingan. Nagmatapang pa rin ako para hindi niya mahalatang nasasaktan ako.

"Kaya pwede, pretend that you don't know me."

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon