CHAPTER 28

90 1 0
                                    

"Listeeeeeeen!" sigaw ni Ma'am Leny nang muling magbulungan ang nga kaklase ko dahil sa nalalapit na Christmas Ball. "Mamaya na nga yang dalda

       Umayos naman ng upo ang mga kaklase ko at tinuon muli ang tingin kay Ma'am Leny. Nakabangalumbaba pa rin ako at sinusubukang makinis kay Ma'am.

"Since 10 days na lang, Christmas Ball na. Napagmeetingan namin na every afternoon, yung last two hours niyo ay gagamitin para magprepare sa magaganap na event. Ang section niyo ay isa sa mga na-assign to help the student councils na magdesign at gumawa ng mga props. Our theme is Masquerade Party. All girls will be wear a... white tuxedo and all boys will wear a... ball gown." nanlaki naman ang mga mata namin nang marinig yun.

"What the?! Ma'am anong klase yun?!" angal ni Lyanna. Like holy cupcakes! Sino ba naman kasi ang gustong magsuot ng tuxedo samantalang ang pangarap naming mga babae is ball gown. Syempre BALL yun, doon ka lang makakaasta as a princess! Tapos naka-tuxedo kami?!

"Wag na nga kayong umangal. May gagawin kasing laro habang nangyayari ang party."

"And what kind of game is that?" tanong ni Drake.

"Actually, Ma'am Tina titled the game 'Chain my heart'." Hay naku! Iba talaga pag inlove! May naisip pa silang mga ganung laro. "Ang mechanics ng game na yun is ang mga girls which will act as a guy, ang pipili ng ilalagay nila sa kabilang posas, yung isa naman nakalock na isa nilang kamay. Kung sino ang taong kasama mo sa iisang posas will be your date on February 14."

        Napaka-advance naman ni Ma'am Tina mag-isip. Parang naging tulay lang sa pag-ibig ang peg.

"So starting today, wala na kayong klase sa last two hours niyo every afternoon. Good day. Class dismiss." lumabas na si Ma'am Leny.

      Ibabagsak ko na dapat ang ulo ko sa desk para matulog nang may pagkain na sumulpot doon. Sandwich. Napatingin naman ako sa taong naglagay nun. And he is smiling widely.

"Nakikita kong wala kang gana sa klase. Hindi ka ba kumain kanina?" naupo siya sa upuan na nasa harapan ko. Umiling-iling naman ako.

"Late na rin kasi ako nagising kaya hindi na ako nakakain."

"Kaya pala." tumango-tango naman siya. Hanggang sa manahimik ulit kami. Hindi ako awkward sa kanya. Nahihiya lang ako. After ng birthday ko, naging ok naman ang lahat. We're friends again. FRIENDS. Wag kayong malisyoso't malisyosa. -_-

"Ahmmm..." nagkatinginan naman kami dahil sabay pa kaming nagsalita. Natawa naman kami.

"You first." he said.

"No, You first." saad ko naman. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko.

"Ikaw na."

"Ikaw na, ano bang sasabihin mo?"

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon