CHAPTER 18

60 4 1
                                    

         Nagsimula na ang laban namin, Team A kami at sila Sandra at Jester ay nasa Team B. Ang mag-i-score at referee namin ay yung lalaking kalbo.

"Game!" sabay pito ng lalaking kalbo at hinagis na niya ang bola.

       Unang nakakuha ng bola ay ang Team namin, pinasan naman sa akin kaya parang nataranta ako.

"Pasa mo sa akin!" sigaw ni Kevin kaya naman pinasa ko sa kanya pero nasalo yun ni Jester at shinoot.

"0-2" sigaw ng referee. Nagtatatalon naman sa tuwa si Sandra at yinakap pa si Jester. Psh.

        Hinampas ko naman si Kevin.

"Napakaduling mo!"

"Napakatanga mo naman!" aba talagang! "Hayaan mo. Babawi tayo." sabay gulo niya sa buhok ko.

        Napunta na sa amin ang bola, pinasa ng lalaking naka-jersey na may number 11 ang bola kay Kevin at agad naman itong shinoot ni Kevin.

"2-2" napatili pa ako ng marinig yun! Hahaha. Syempre ayokong matalo kami noh!

        Nasa kanila naman ngayon ang bola at mukhang nagkaka-initan sina Kevin at Jester, sila nga lang dalawa ang nagpapascore sa bawat team e.

"Ang galing din niya ha." saad ni Kevin habang nakaupo kami sa bleacher, nagtimeout muna kasi. "May plano ako."

"Ano yun?"

"Basta."

*Peeeeeeeeeeffffffff*

       Tumayo na kami ng marinig ang sipol ng referee. Hinagis na nito ang bola at nakuha ito ni Jester. Ang ikinataka ko hindi hinaharangan ni Kevin si Jester kaya nilingon ko si Kev---

O/////////////O

        Tila pinutulan ako ng hininga ng halikan ako ni Kevin. P-Paano siya nagkalakas ng loob na halikan ako?!!!!!

        Pagkahiwalay ng labi niya sa labi ko, ngumiti siya at ako... parang nakakita ng multo sa sobrang gulat. Narinig kong tumalbog ang bola at naagaw ng kateam namin ang bola kay Jester.

"Let's start the game." saad ni Kevin at tumakbo na palapit kay Jester. Habang ako naiwang tulala. Leche plan!!!!!! Hinalikan ako ng bakulaw na yun!!!! ASDFGHJKL!!!!!!!!

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon