CHAPTER 30

79 1 0
                                    

"Uy! Tulala ka na naman!" nagulat naman ako sa pagbagsak ng kamay ni Drake sa mesa.

"Ano bang iniisip mo wifey?" huminto silang tatlo sa pagkain at tumingin sa akin. "Ano bang ginawa sayo kanina ni Jester?"

        Bigla namang nagflashback sa isipan ko ang nangyari kanina at tila slow motion pa.

"W-Wala siyang ginawa sa akin. Ahm, inaantok na ako. Busog pa pala ako." pumasok na agad sa kwarto ko at napaupo sa kama ko.

         Hindi ko maiwasang mapangiti habang hawak ang lips ko.

[ Flashback ]

"I'm sorry for... kissing you without permission." naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko. "I promise na magpapaalam na ako kapag gusto kong halikan ka. Ikaw naman kasi e." pinisil niya bigla ang pisngi ko. "Nakakatempt!"

[ End of Flashback ]

       Shooooocks! ^///////////^ Kinikilig akooooo! T-Teka! Hindi ako 'to a. Dapat wala lang sa akin pero... bakit bumabalik yung dating ako? OMO! Pati tuloy feelings ko bumalik lahat! TT^TT paano pag nasaktan na naman ako? Hay! Bahala na si Batman. Itutulog ko na nga lang 'to.

--

       Hindi pa rin talaga ako makatulog pero nakahiga na ako. Nakatagilid pa ako while facing the wall. Hindi ko tuloy mapigilang imagine-n si Jester sa wall. Oh gosh! Naaning na ako!

        Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan, si Lyanna na siguro yan. Kukulitin lang ako niyan sa mga nangyari kanina. Umarte akong tulog na. Maya-maya'y maramdaman kong lumulubog yung kama. Sinisilip siguro ng bruhang 'to kung tulog na ako. =_= Bahala siya diyan. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko, nakita ko rin ang pagyakap niya sa bewang ko. Oh gosh! Si Lyanna! Tomboy na!!!

"Ano b---" paglingon ko... si... Rykel pala ang nakayakap sa akin. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang yakapin ang future wife ko." sabay yakap niya ng mahigpit. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Ewan ko ba... Pero parang niloloko ko siya ganun yung nafefeel ko... "Wala ba talagang nangyari kanina?"

"Wala." Pinilit kong maging calm ang tono ng pananalita ko. Baka mautal na naman ako. Lalo niya lang akong mahahalata.

"Wifey... gusto ko ako lang." he said in a sad tone.

[ Flashback ]

"Gusto ko ako lang! Nababaliw na ako ng dahil sayo Angel Faye!"

[ End of Flashback ]

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon