Nalate na ako ng gising at nakita kong wala na rin sila Drake at Dane. Nasa iisa lang kasi kaming unit pero iba-iba ang kwarto namin. Malaki naman kasi ito. Malaki pa nga ito para sa aming tatlo. Pero si Daddy kasi ang pumili kaysa naman hindi niya ako payagang umuwi di'ba?
Nag-ayos na ako ng sarili ko at saka nagmadaling lumabas ng unit. Nang makapunta ako sa parking lot, may mga nakita akong nakahelerang bicycle.
Naalala ko tuloy kung anong dahilan, kung bakit ako nag-aral magbike. Kahit papaano napangiti naman ako ng maalala ko kung bakit nga ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin naipapakitang marunong na ako magbike. At hanggang ngayon hindi niya pa rin nasasabi ang sekreto niya. Mukhang malabo ng mangyari ang nakaraan.
"Ma'am kukuhain niyo po ba ang bike niyo?" tanong nung guard. Tumango naman ako at in-unlock naman niya ang kadena sa bike ko.
Nagpasalamat naman ako at hinila na ang bike ko. Peste talagang dalawa yun! Hindi man lang nang gising! Edi sana hindi ako magbabike ngayon. -.-
Nagpedal na ako papuntang school. Sa sidewalk na rin ako nagbabike para mabilis.
"Tabi!" sigaw ko sa mga taong humaharapng sa dinaraanan ko.
May lalaking nakaheadset at nasa gitna nang dinaraanan ko, ilang beses na akong sumigaw pero hindi siya nakikinig hanggang sa...
*BOOOOGSH*
"Aray ko po..." napahawak ako sa tuhod ko na ngayon ay dumudugo pati yung siko ko. Naupo ako at tiningnan ng masama ang taong harang sa daanan ko. Nakatayo lang siya. Paano kasi siya nakaiwas, ako HINDI!
Inalis naman niya ang isa niyang headset at tumingin sa akin.
"Ayos ka lang?" tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Obvious namang hindi di'ba? Badtrip. Dahan-dahan akong tumayo at kahit masakit yung sugat ko, pinilit ko pa ring iangat yung bike ko.
Magpepedal na dapat ako ng humarang ulit yung lalaki. Eh kay kulit pala nito e. Gusto niya ulit ako masugatan. Nakatitig lang siya sa akin.
"What?!" pagtataray ko.
"May kamukha ka... pero yung kakilala ko kasi palaging nakangiti."
"Wala akong pake. Mali-late na ako. Tabi." pero hinarang niya lang muli ang sarili niya. Ano bang problema nito?!
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)