"Bakit hindi mo ko hinintay?"
Hindi pa nga bumubuka ang bibig niya bigla ng nagring ang phone niya. Sabay naman kaming napatingin sa screen nun.
My Forever Beb calling...
Tumingin siya sa akin bago sinagot ang tawag.
"Hello beb? Kumain ka na ba?" tumayo siya at lumayo sa akin.
Habang tinitingnan ko ang likod niya parang gusto kong tumayo at takapin siya. Pero alam kong hindi pwede. Hindi dapat. At mas lalong HINDI TAMA. Angel, isang taon na ang nakakalipas. Bakit ganyan ka pa rin?
"Ok. Bye beb. I love you so much." nang ibinaba na niya ang phone agad na akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni Lyanna. Kasalukuyan kasi siyang natutulog sa sofa. Hinampas ko siya ng malakas kaya agad siyang napaupo.
"Anong nangyari?!" may palingon pa siya sa paligid. Tiningnan ko lang siya ng tuwid.
"Uwi na tayo."
"Inaantok pa ako e." kumamot pa siya ng ulo at tumayo na. Hinarap ko naman si Jester.
"Mauuna na kami. Salamat." tinulak ko na si Lyanna palabas.
"Aray naman. Wag kang manulak."
"Dalian mo." wala sa mood kong saad. Pinihit na niya ang doorknob at naunang lumabas.
"Angel." lumingon naman ako ng tawagin niya ako. "Hinintay kita. Kaso... nauna siya."
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung malungkot ang itsura ko o maluluha na. All I know is, masakit.
"Hoy Angel! Nagmamadali ka tapos andiyan ka pa rin. Tara na nga!" hinila na ako palabas ni Lyanna at siya na ang nagsara ng pinto.
[ 1:30 a.m. ]
"Hinintay kita. Kaso... nauna siya."
Kanina pa ako tulala habang nakaupo sa kama. Iniisip ko pa rin yung sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano bang tama. Ako ba ang mali dahil umalis ako?
"Aaargh! Engot ka talaga Angel! Syempre ikaw ang mali. Iniwan mo siya e!"
Pero ako ang nauna di'ba? Bakit si Sandra? Bakit hindi ako? Bakit naging ganun? Hay! Binagsak ko ang sarili ko sa kama.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)