"Anong ginagawa mo dito?" napatingala naman ako sa nagsalita.
Medyo pikit pa ang mata ko kaya hindi ko maaninag kong sino.
"Umalis ka na dito. Shooo~ Shooo~" with matching masiwas pa ng kamay.
"Nakainom ka ba?" tanong nito. Yumuko lang ulit ako sa tuhod ko kasi inaantok talaga ako. Naka-6 na bote yata ako. Libre naman kasi nung Kalyo- ay este Kanto Boys, yung ininom ko kanina.
Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong braso at hinila ako patayo.
"Ano b---" nanlaki ang mata ko ng makita ko na kung sino ang kanina pa kumakausap sa akin. Shemay! Bakit siya pa?
"Bitawan mo nga ako!" tinulak ko siya palayo kaya naman nabitawan niya ako. Paatras na ako ng ma-out-of-balance ako... at ayun napaupo ako sa sidewalk.
"Ayos ka lang ba?" pag-aalala niyang tanong at hahawakan pa dapat ako. Pero tinabig ko pang ang kamay niya.
"Leave me alone." seryoso kong saad sa kanya. Tiningnan ko sya and I know may nagtatangkang luha na gustong kumawala sa mata ko.
"Anong nangyayari sayo, Angel?" nakakunot ang noo niya. "Bakit nagbago ka?"
"Sa tingin mo, bakit nagbabago ang isang tao?" tumayo ako at seryoso ko siyang tiningnan. Hindi siya sumagot at tila hinhintay ang kasunod sa sasabihin ko.
"Kasi natuto na siya sa pagkakamali niya." tumalikod na ako at naglakad palayo.
"Mas gusto ko pa rin... yung Angel noon." napahinto naman ako. Gusto kong lumingon at bumalik sa harapan niya para sapakin siya at iparealize sa kanya kung ano bang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Siguro naiisip niyo, bakit magagalit si Angel eh nagkaroon naman siya ng fiancé sa States? Simula kasi nang malaman kong sila na ng bestfriend ko, nawalan na ako ng pag-asa kay Jester. Tumanggap ako ng mga manliligaw nun at doon ko nakilala si Rykel. Kakilala ni Daddy ang Daddy ni Rykel dahil parehong umiikot ang mundo nila sa business. Nung una, naisip ko na gawing panakip butas si Rykel, pero unti-unti ko rin siyang nagustuhan. Mabait kasi siya, sweet, gentleman at maalaga. Nakikita ko nga minsan sa kanya si Jester, pero ayun... niloko rin ako.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi ko na siya nilingon. Nakarating ako ng hotel pasado alas-otso na ng gabi. Nadatnan ko naman sila Drake at Dane sa labas ng hotel.
"Angel!" sigaw ni Dane ng makita ako. Tumakbo naman yung dalawa palapit sa akin. "Ayos ka lang ba ha? Nag-alala kami sayo."
"Iniwan kaya ako ng boyfriend mo."
"Hoy!" sabay turo sa akin ni Drake. "Sabi mo ibaba kita! Tsaka hindi niya ako boyfriend noh." tumango-tango ako.
"Oo nga noh." sabay tapik ko sa balikat nilang dalawa. "Una na ako sainyo ha." tumango naman sila kaya nauna na akong maglakad.
"Nakahithit yata ito e." bulong niya kay Dane pero rinig ko naman.
Pero hindi ko na yun pinansin at naglakad na ako papasok ng hotel. Sumunod naman agad yung dalawa sa sakin.
"Saan ka ba galing?" tanong ni Dane.
"Ahhh, diyan lang." pinindot ko na yung arrow na nakaturo sa taas para bumukas na yung elevator.
"Saan naman yun ha?" tanong naman ni Drake.
"Diyan nga lang, paulit-ulit?" bumukas na ang elevator pero di pa ako pumapasok. Nilingon ko silang dalawa. "Ano yun oh?" sabay turo ko kung saan. Lumingon naman sila.
"Ang alin?" habang nakatuon ang pansin nila sa direksyon na tinuro ko, kumaripas agad ako ng takbo papasok sa elevator at clinick ang 'close'
"Ange---" hahabol pa dapat sila pero huli na. Magtatanong lang naman ang mga yun kung anong nangyari sa akin e. Maiinis lang ako.
Nang makarating ako sa unit namin, agad na akong pumasok ng kwarto at nilock na yun. Alam ko kasing gagambalain lang ako ng dalawang asungot na yun.
"Anong nangyayari sayo, Angel?" nakakunot ang noo niya. "Bakit nagbago ka?"
Kung ako nagbago... bakit siya hindi naghintay? Nakakasama lang ng loob. Ginawa ko ang lahat sa kanya, niligawan ko pa siya. Bakit hindi man lang siya naging lalaki sa mga ginawa ko noon? Bakit kay Sandra... nagpakalalaki siya? :'(
Binuksan ko ang pinto ng balcony ko, kaya pumasok ang malamig na hangin sa loob ng kwarto.
"Mas gusto ko pa rin... yung Angel noon."
Naramdaman kong may parang kumirot sa akin ng maalala ko ang sinabi niya. Mas gusto niya ang Angel noon? Na ano? Nagpapakatanga sa kanya? Na hinahabol-habol kahit sa loob ng CR? Na handang magmukhang eng-eng sa harap niya mapansin niya lang? Nakuha ba nun ang puso niya? Hindi di'ba!
Hindi ko na kailangan pang ibalik ang kung ano ako noon, para lang sa kanya. Masaya na siya... at kahit anong gawin ko... wala na akong parte sa puso niya. Napatagal ba ako ng balik? Ganun ba katagal kaya niya hindi ako hinintay? O sadyang hindi lang talaga niya ako kayang hintayin?
********************************************************************************************************************************************************************************************************************
Ilang araw din itong nakaimbak sa cellphone ko, napakatamad ko kasing magupdate. Sorry. :( Pero sana magustuhan niyo ang bawat chapter nito. <3
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)