CHAPTER 38

52 2 0
                                    

        Pagkabasa ko ng pulang sulat ay agad kong kinuha ang keychain pati ang litrato at agad na tumakbo palabas.

"Ange—-" nakasalubong ko si Mommy na kakalabas lang ng kwarto. "Saan ka pupunta?" rinig kong sigaw niya ngunit hindi ko na pinansin yun.

       Agad akong tumakbo palabas ng hotel at tumawag ng taxi. Nagpadiretsyo agad ako sa condong tinutuluyan ni Jester.

       Ilang beses kong pinindot ang 'UP' sign ng elevator para agad itong bumukas ngunit nasa 10th floor palang ito. Napatingin ako sa sign na 'Stairway', at di na nagdalawang-isip na tumakbo sa hagdan hanggang makarating ako ng 3rd floor.

**

       Kinatok ko ng kinatok ang pintuan ni Jester pero walang nagbubukas. Nasaktohan ko naman ang paglabas ni Lyanna na tila naingayan sa pagkatok ko sa pinto ni Jester.

"Angel?" gulat niyang saad. Pumasok ako agad sa loob ng condo at lumabas sa balcony.

"Jester! Jester! We need to talk! Jester!"

"Angel! Ano bang nangyayari?!" nagtatakang tanong ni Lyanna.

"Jester!!! Marami kang ipapaliwanag sa akin! Bakit may picture tayong dalawa noong mga bata pa tayo? Bakit pareho tayong may keychain at may initial na 'B' at 'I'?! JESTER!" namamaos na ako sa pagsigaw pero wala. Walang Jester na lumabas. "Jester..."

"Angel. Matagal ko ng hindi napapansin si Jester diyan, simula ng sumugod ang Daddy mo. Hindi na namin nakita si Jester."

"Imposible yun!" matigas kong saad kay Lyanna. "Hindi niya ako pwedeng iwan ulit!" muli akong tumingin sa balcony ni Jester. "Jester! Alam kong nandiyan ka! Please! Come out! We need to talk! Jester! Please! I need an answer! Please..."

[ Jester's P.O.V. ]

       Tulala lang ako sa cake na nasa harapan ko. Ito lang ang binili kong pang-noche buena. Wala rin naman kasi akong ganang kumain. Nakasarado ang lahat ng bintana at nakababa lahat ng kurtina para mapagkamalang walang tao sa loob. Tanging kandila lang ang ilaw ko.

       Napatingin naman ako sa pag-ilaw ng cellphone ko. Si Romeo slash Juliet tumatawag. Sinagot ko naman ito.

"Dude! What's up? Merry Christmas!" masigla niyang saad mula sa kabilang linya.

"Merry Christmas." walang emosyon kong saad.

"Kamusta na?"

"Ayos lang." bored kong saad.

"Mukha ngang ayos ka lang. Kaloka ka. Pasko ngayon! Hindi Biyernes Santo!"

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon