Hinatak niya ako agad palayo sa dalawang talaba at dinala sa walang gaanong tao. Binalibag niya ang kamay ko at hinatak ako sabay sandal sa akin sa malaking puno.
"A-An-o... b-bang..." shemay! bakit nauutal ako?!
Dahan-dahan naman niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko... shiiiiiiiiit...
Dugdug...
Dugdug...
Dugdug...
Natigilan ako... Parang huminto ang mundo ng MULI kong narinig ang pagtibok ng puso ko. Alam ko namang tumitibok 'to but this time... parang katulad ng tibok nang puso ko noon...
At hindi pwede mangyari yun!!! Tinulak ko siya agad at nakagawa ako ng kaunting espasyo para makamalis ako sa pagkakasandal ko sa puno.
"Bakit mo ba ako dinala dito ha?!" agad kong tanong sa kanya.
"Di ko alam na kaugali mo na pala ang Daddy mo. Na kapag may gusto, babayaran niya ang taong yun para lang sumunod sa kanya." automatic na sinampal ko siya. How dare him?! Ayoko ngang hinahalintulad ako sa Daddy ko kahit na ama ko siya! Dahil alam kong gumagawa nga ng panunuhol si Daddy. Pero ako? What the eff?! Kelan pa?!
"Ang kapal din ng mukha mo para sabihin ako ng ganyan! Bakit may pruweba ka? Nakita mo ba na may binayaran ako para lang makuha ang gusto ko?!"
"Hindi pa ba sapat ang nakita ko kanina? Binato mo yung pera kay Bethany? Sa palagay mo gawain yun ng isang taong may pinag-aralan."
"Wala kang alam sa nangyari. Kaya wag kang manghusga." tinalikuran ko siya. "Baka pasalamatan mo pa ako dahil ginawa ko yun." at iniwan ko na siya doon.
Naalala ko bigla nung araw na nakita ko sila ni Daddy na magkausap. Grabe talaga! Nakakainis! Ayoko talagang hinahalintulad ako sa Daddy ko. Hayst!
Ilang araw na ang lumipas lalong lumalapit ang araw ng School Festival.
"3 days na lang, school festival na at gusto kong sabihin na, hindi ako satisfied sa mga practice natin nitong mga nakaraang araw. Dahil sa mga characters." napatingin naman ito sa akin. Ok. Ako na may kasalanan. Pero ibinaling niya rin ang tingin niya kela Jester at Sandra.
"May problema ba sa pagitan nang mga characters?" napatingin naman ako sa gawi nila, at tumingin din sila sa akin.
"Angel?" lumipat naman ang tingin ko sa teacher namin. "May problema ka ba? Sabihin mo lang. Kung hindi mo talaga kaya, papalitan na lang natin ang karakter mo."
"Rule no. 2! Wag kang iiwas sa kanila. Face them. No matter what."
"Wala po akong problema. Siguro nahihirapan lang akong isama ang emosyon ko sa play. Pero..." tumingin ako kela Jester at Sandra. "Kaya ko."
"I see." tumango-tango pa siya. "So... magpractice ka na lang sa bahay a. Para lalong ma-enhance ang emotion mo. Okay?" tumango naman ako.
Muli kaming idinismiss para kumain muna. Hinahalungkat ko yung bag ko habang nakatingin ako kay Sandra dahil pamilyar yung dalawang babaeng kasama niya. Napakunot naman ang noo ko ng mamukhaan ko ang dalawang mukhang talaba sa CR. Sinakbit ko ang bag ko sa balikat ko at naglakad para maabutan sila.
"Oh, ang ganda-ganda mo talaga Sandra." sagit nung babaeng hinagisan ko ng pera, Bethany yata pangalan.
"Oo nga, Sandra. Kaya gustung-gusto ka namin kasama e, hindi lang sa maganda ka mabait ka pa." saad naman ng alipores ni Bethany sabay kapit sa braso ni Sandra.
"Kayo talaga, nambola pa."
"Naku hindi a. Totoo talaga yun." pang-uuto ni Bethany, napataas pa ang isa kong kilay ng marinig yun kay Bethany. Napaka-plastik ng babaeng 'to.
Nauna akong maglakad sa kanila at sinadya kong banggain si Bethany.
"What the! Hey! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" lumingon naman ako sa kanya at ngumiti.
"Sorry." pang-aasar kong saad sa kanya. Lalo namang nakita kong namula siya sa sobrang inis.
"Nung nakaraan ka pa ha! Matapos mong punasan ang damit ko ng marumi mong kamay at hagisan ako ng pera, ganyan ka pa rin umasta!" napakacrossed arms pa siya. "Now I know kung bakit hindi na kayo magkaibigan ni Sandra!" lumapit naman ako sa kanila.
"Ganun?" tiningnan ko naman si Sandra. "Oo nga noh, hindi na kami magkaibigan ngayon pero kahit kailan hindi ko siya trinaydor." tiningnan ko nama sila Bethany at ang alipores niya. "Hindi tulad niyo."
Lalo namang naiinis si Bethany kaya hinila niya ang buhok ko. Syempre! Hindi ako papatalo noh! Hinatak ko rin yung buhok niya. May kumapit naman sa bewang ko, yung alipores niya at hinihila ako hanggang sa matumba na kami sa sahig. Naririnig ko ang pag-awt ni Sandra pero balewala lang sa amin patuloy pa rin ang sabunutan namin hanggang sa...
"What the hell?!" nilingon ko naman ang taong nagbuhos sa amin ng tubig!
"S-Sorry, ayaw niyo kasing tumigil e." saad ni Sandra habang hawak-hawak ang balde. Lumayo naman sa akin si Bethany.
"Aaaaargh! Parehas lang talaga kayong dalawa! Peste!" pinapagpagan niya pa yung damit niya. Parang sira. Pagpagan ba raw ang basang damit?
Tumayo naman ang sa kinahihigaan ko. Lumapit naman ang alipores niya sa kanya.
"Anong nangyari dito?" napalingon naman kami sa nagsalita. Agad namam siyang lumapit sa girlfriend niya at yinakap ito. Psh. Akala mo naman kung anong nangyari kay Sandra. -.- "Ok ka lang ba beb?"
"Oo." humiwalay naman siya sa pagkakayakap nila. "Si Angel, hindi." napatingin naman siya sa akin.
"No, I'm fin---"
"Ano na namang ginawa mo?!" ako na naman?! punyemas na lalaki 'to. -______-
"Psh." tiningnan ko si Sandra. "Sa susunod wag kang makikipagkaibigan sa mga taong may kailangan lang sayo." kinuha ko yung cellphone ko at in-open ang gallery para mapanood nila ang video. Binato ko ito sa kanila at nasalo naman ni Sandra.
Hindi ko na hinintay ang reaksyon nila at umalis na ako. Hanubayan! Basang-basa tuloy ako.
Nakalock ang clinic kaya hindi ako nakapagtambay doon. Hayst. Kaya nagpunta na lang sa may bench at naupo. Papatuyuin ko na lang sa sikat ng araw ang sarili ko. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang malamig na simoy ng hangin.
Hanggang sa maramdaman kong may nagpatong na kung ano sa ulo ko. Kaya naman napadilat ako at tiningnan kung ano yun.
"Towel?" kumunot pa ang noo ko.
"Oo. Magpatuyo ka." nilingon ko naman ang taong nagpatong nun sa ulo ko. Sino pa ba? Edi yung taong mahilig husgahan ako. -_-
"Kung galing sayo, no thanks na lang." sabay bato ko nung towel sa kanya.
"Bakit ka ganyan?!"
"Bakit KA ganyan?! Puro na lang ako! Ano b---"
"Sorry." natigilan naman ako sa sinabi niya. Nakayuko ang ulo niya ng sabihin yun. Nang hindi ako sumagot, dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya.
"I'm sorry. Mali ako. Akala ko lahat talaga nagbago sayo. Akala ko lahat ng ugali mo noon, kabaliktaran na ngayon. Pero... andun pa rin yung concern mo kay Sandra. Kaya gusto ko ring humingi ng pasasalamat. Dahil nakikita kong may malasakit ka pa rin sa girlfriend ko. Kaya..." naglakad siya palapit sa akin at ipinatong ang towel sa balikat ko. "Pwede ba nating ibalik ang nakaraan?"
***********************************************************************************************************************************************************************************************************************
Sorry dahil napakalate ko mag-update sobrang BUSY po. =_= Lalo ngang dumadagdag ang bagahe ng eyebags ko e. :D HAHAHA. Malapit pa ang midterm exam namin kaya pagpasensiyahan niyo na lalong matatagalan ang updates ko. :D Ayiiiiiiiie! Malapit na rin Valentines. ^______^ <3 <3 <3 Ingat ang lahat. :)))) Spread the LOVE~
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)