CHAPTER 16

71 5 5
                                    

[ Angel's P.O.V. ]

"Hey! Tigilan mo na ang pang-i-stalk sa phone ko!!!" kanina pa kasi niya sinasabi kung anong mga laman ng phone ko.

"Hala! Stalker ka ni Jeon Jungkook? Ikaw ha! Naku! Tsk. Tsk. Tsk. Iba na yan."

"Manahimik ka na! Asaan ba ang bahay mo at kukuhain ko yang phone ko!"

"Yung cellphone ba talaga ang sadya mo? O gusto mo lang talaga malaman kung saan ako nakatira?"

"Wow ha! Ang kapal mo rin eh noh!" humanda talaga sa akin ang lalaking 'to!

"Dear Diary..." nanlaki naman ang mata ko ng marinig yun. "Ngayong araw na 'to nasa downtown ako. Kasama ko si Ryk---"

"Shut up! Naiinis na ako Bakla ha!"

"What did you say?"

"Naiinis na ako BAKLA."

"Hindi ako bakla." seryoso niyang saad.

"Edi sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira para hindi nakita asaring bakla."

"Gusto mo talagang malaman?"

"Oo. Dahil gusto kong makuha ang phone ko."

"Ok. Lumabas ka ng balcony mo." psh! Bakit naman kailangan pa akong lumabas?! Bigla ko namang naalala yung dati na pinasilip pa niya ako sa bintana dahil utu-uto raw ako.

"Ayoko nga! Pagtitripan mo na naman ako!"

"Dali na!" ay talagang makulit ang isang 'to ha.

"Manahimik ka nga."

"Promise. Trust me. Labas ka na, please?"

"Wow. Rhyme." natawa naman siya sa sinabi ko. Psh. No choice. Lumabas na ako ng balcony.

"Oh, anong meron sa labas ng balcony? Maliban sa moon at stars?" pangsusungit ko.

"Tingin ka sa kaliwa mo."

"Ano b---" halos lumuwa ang mata ko at mahulog ang panga ko ng makita si Jester na kumakaway sa balcony ng kabilang kwarto. Which is, katabi ng room namin! What the eff! Sadyang mapaglaro ang tadhana! Peste. :3

"Uy, laway mo." bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to. Nakasandal ang braso niya sa railing ng balcony habang ang isang kamay niya ay hawak pa rin ang cellphone niya na nakatapat sa tenga niya.

"Ini-stalk mo ba ako?" para kaming sirang magkatawagan kahit na magkaharap na kami.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon