"Nakakainis ka! Ikaw lang ba may karapatang magselos?!"
"Nakakainis ka! Ikaw lang ba may karapatang magselos?!"
"Nakakainis ka! Ikaw lang ba may karapatang magselos?!"
"Nakakainis ka! Ikaw lang ba may karapatang magselos?!"
"Nakakainis ka! Ikaw lang ba may karapatang magselos?!"
Whaaaaaaaaah! Did I really say that?! TT^TT oh gosh! Hindi ko naman talaga--- I mean, Hindi naman talaga ako nagseselos kay Sandra nun! Ginaya ko lang siya. A-Aaaaaaaaah! Bakit ba kasi kami napunta sa selosan thingy? Eh hindi ko pa nga siya nagigisa about sa sandwich e!
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Ay sandw--- ARAAAAY!" napatayo kasi ako dahil sa gulat kaya ayun nauntog ako sa hagdan. Nagtatago kasi ako sa ilalim ng hagdan.
"Uy! Ayos ka lang ba?" taranta naman siyang lumapit sa akin at hinimas-himas ang ulo ko.
"O-Ok lang ako." nag-thumbs up pa ako. Pero ang sakit talaga. Feeling ko lumindol e.
"Di ka kasi nag-iingat. Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" napayuko naman ako. Alangan namang sabihin kong nahihiya ako dahil sa sinabi ko kanina! "Wag mong sabihing nahihiya ka sa sinabi mo kanina?"
Nagulat naman ako. Naririnig niya ba ang sinasabi? Oh gosh! Mind reader siya!
"H-Hindi a."
"Wag ka ng magdeny. Nakikita ko sa expression mo. Guilty ka."
"Psh! Alis na ako." tinalikuran ko na siya pero muli niya akong hinarap sa kanya.
"May gusto ka pa rin ba sa akin?" natigilan naman ako. Nakatitig lang ako sa mga mata niya at tila naging estatwa. Nakapatong ang dalawa niyang braso sa balikat ko at titig na titig sa akin. Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba agad na OO? Hindi pa parang masyado akong naging easy-to-get? Whaaaaa!
"A-Aa..."
"Hindi mo masagot?" I saw a little disappointment in his eyes. "You still want to give Rykel a second chance?" inalis na niya ang kamay niya sa balikat ko at ibinulsa iyon sa jogging pants niya.
Magsasalita na dapat ako pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo.
[ Jester's P.O.V. ]
"Nakakaloka ka kasi tol e. Bakit kasi di mo pa ligawan? Eh di'ba nagpopormahan na kayo Fafa Rykel?" saad ni Romeo ay este Juliet. -___- Siya nga pala yung kaibigan ko. Siya nagturo sa akin mag-make up noon. Hahahaha. :D Alam niya lahat ng sekreto ko. Siya din yung lalaking inaway noon ni Angel. Yung sumugod siya dati at tinanong ako kung niloloko ko ba raw siya. ( A/N: Sa mga di makaalala nasa Book 1 yun, Chapter 2. ^___^ )
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)