"Angel! Gising na!"
Peste kanina pa may sumisigaw a! Binato ko yung unan sa hinihigaan ni Lyanna.
"Ingay mo."
"Angel! Yohooooooo!" dinilat ko na ang mata ko at tiningnan ng masama ang kinaroonan ni Lyanna. Pero doon ko lang napansin na natutulog pa rin pala ang loka. Sino ba yung maingay?!
"ANGEL FAYE DEMENTION! GISING NA!" napatingin ako sa sliding door ng balcony at agad na tumayo. Pagkalabas ko nakita kong ang masiglang si Jester.
"Ang ingay mo alam mo yun!? 6 pa lang ng umaga! 5 hours lang ang tulog ko!"
"Ang dami mong sinabi. Tara jogging tayo!"
"Ginising mo ko para samahan ka magjogging?" *crossed arms* "Ayoko."
"Ay! Daliiiii na!" para siyang batang nagmamaktol habang nakapout.
"Ayoko!" tinalikuran ko na siya at papasok na dapat ako ng matigilan ako sa narinig ko.
"Dear Diary, napakasaya ng araw na 'to." napalingon ako sa kanya. Binabasa na naman niya yung diary ko!
"Okay! Fine! Magbibihis lang ako."
"Good. See yah sa lobby." sabay kaway niya. Pumasok na rin ako sa loob at napalit ng damit.
Nakajogging pants ako pero may short pa ako sa loob in case na mainitan ako. Nakacolor pink ako na sando at jacket. Napakalamig pa kasi sa labas e.
"Balot na balot ha." bungad niya sa akin.
"Ang lamig kaya." iritable kong saad sa kanya.
"Tara na." hinatak naman niya ako at naglakad kami papuntang park.
"Ano namang gagawin natin dito ha?!"
"Basta!" panay lang hila niya sa akin hanggang sa makapunta kami sa may puno.
"Ano b---"
"Beb!" napatingin naman ako sa tinawag niya. At nakita ko si Sandra. Bwiset na 'to! Sinama ako para lang ipakitang sweet sila?
"Hi Angel!" kinawayan niya ako.
"Hi." bored kong sagot.
"Wala ka sa mood?" OO WALA TALAGA!
"Yang boyfriend mo kasi e, ang aga-aga nanggugulo." hinampas naman niya si Jester.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Genç KurguBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)