CHAPTER 34

68 2 0
                                    

        Pagkarating ko ng school, ibinaba ko na lang kung saan yung bike ko at agad na tumakbo pabalik ng classroom. Nakasalubong ko pa yung iba kong classmate na pauwi na.



         Pagkapasok ko sa loob ng classroom, nakabukas yung notebook ko at iniihip ng hangin ang bawat pahina nun. Kinuha ko naman ito agad at tumingin-tingin pa sa paligid. Pero wala na namang tao. Lumabas na ako.



         Umuwi na rin ako nang mailigtas ko na ang notebook ko. :D Pero ang bumabagabag sa isipan ko... e kung may nakabasa ba? Paano kung meron nga? Binuklat ko naman ang notebook ko at binasa ang rules na nakasulat doon.



How to take a revenge to Lloyd Jester? 


"Rule no. 1 Don't look at him." FAILED.

"Rule no. 2 Ignore him."    FAILED...

Rule no. 3 Make him jealous.   EFFECTIVE?

Rule no. 4 Don't talk to him.    FAILED!!!!!!!!!! -_______-

Rule no. 5 Forget Him.



       Nagsulat naman ako sa gilid ng Rule no. 5.



Rule no. 5 Forget Him.    IMPOSSIBLE :(



       Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa pumasok ng kwarto. Si Lyanna. May hinagis siyang malaking teddy bear sa akin. Nahulog naman yung notebook na hawak ko.



"Wow. Thank you." sarcastic kong saad. Pinulot ko yung notebook at may nahulog na nakatiklop na papel. Pupulutin ko dapat ito pero natapakan ni Lyanna habang lumalapit sa akin. "Ano ba?"


"Galing yan kay Rykel. Oh, pinabibigay niya pa." sabay abot ng card. Pero hindi ko ito pinansin kaya ipinatong na lang niya sa kama. Pumunta na siya sa kama niya.



       Tiningnan ko naman yung card na galing kay Rykel at binasa ito.



"I'm sorry. :("



        Bakit nakaugalian na natin ang magsabi ng 'I'm Sorry' kapag may nasasaktan tayo? Hindi ba nila alam na ang salitang patawad ay walang katumbas sa sakit na naramdaman natin? Sabihin na nating hindi nila intensyon yun pero nagawa pa rin nila. Mababalik ba ng sorry ang trust? Di'ba hindi?



        Tumayo ako para itapon yung card. Ibinato ko naman yung teddy bear kay Lyanna kaya naman napabalikwas siya.



"Ano ba?" habang kumakamot pa sa ulo dahil naistorbo ang tulog niya.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon