Hinatid namin ni Rykel si Sandra. Hindi niya raw mahagilap si Jester kaya walang naghatid sa kanya.
"Saan mo balak pumunta?" tanong ni Rykel sa akin ng palabas na kami ng subdivision nila Sandra.
"Umuwi." nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"No. Hindi pwede. I won't let you. It's your special day. Gagawin nating special ang araw na 'to."
"At saan mo naman ako dadalhin?"
"Secret." he smiled. At saan naman kaya ako balak dalhin nito?
Malayo din ang binyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang five star hotel.
"What are we doing here?"
"Basta." nakaramdam naman ako ng takot. Baka mamaya, nakasinghot na ng drugs si Rykel at dahil 18 na ako pipilitin niya akong ikasal kami tapos pag di ako pumayag doon na niya ako pagsasamantalahan! Oh gooooosh! What a cruel life! "Hey! Anong iniisip mo?"
"W-Wala."
Pumasok na kami sa elevator at medyo dumidistansya ako sa kanya. Lumalapit naman siya. Oh gosh! Napakasama naman ng kapalaran ko! Nang makarating kami sa 2nd floor, nauna akong lumabas ng elevator.
"Hey, saan ka pupunta? Hindi tayo diyan."
"H-Ha?" balak ko kasing pumasok sa emergency exit. "S-Saan ba?"
"Dito." sabay hatak sa akin papasok sa isang kwarto.
"Bata pa ako Rykel! Gusto ko munang magpakasaya sa buhay wag m--- Mommy?" nanlaki naman ang mata ko ng makita si Mommy na nakaupo sa mini sala ng kwartong pinasukan namin.
"Anak!"
"Mommy!" napatakbo na ako palapit sa kanya at agad siyang sinalubong ng yakap. "I miss you Mommy."
"I miss you too sweetheart."
"Ehemm." bumitaw naman kami at lumingon kay Rykel. "Maiwan ko po muna kayo."
"Sige hijo. Maraming salamat."
"My pleasure." iniwanan na kami ni Rykel at muli kong hinarap si Mommy.
"Kailan pa po kayo dumating?"
"Kaninang umaga lang kami dumating nang dad. Hindi naman kami magpapahuli sa debut nang anak namin. O sya." tumayo siya at may kinuha sa closet. Bumungad naman sa akin ubod na gandang gown. White gown siya na tube at may mga design na feathers mula sa waist to hem. May mga nakapalibot naman na kumikinang sa paligid ng waist nito.
"Wow." yun lang ang nasabi ko. Eh sa wow talaga. Feeling ko prinsesa ako sa suot ko na yan.
"Suotin mo para ma-make-upan na kita."
Magdadalawang-isip pa ba ako? Of course not. Sinuot ko na nga ang gown ko at inayusan na nga ako ni Mommy. Magaling mag-ayos si Mommy kaya I bet na magmumukha akong prinsesa nito.
[ After a few minutes ]
"Ladies and gentleman, please welcome our lovable and beautiful debutant!" nagdim ang paligid kaya naman lumabas na ako sa pintuan at napunta sa gitna. Nagkaroon ng spotlight sa akin habang bumababa ako ng hagdan. Natanaw ko naman na nasa ibaba si Rykel at nag-aabang sa pagbaba ko. Wearing his black tuxedo.
Nang makarating ako sa dulo nang hagdan, nilahad niya ang kamay niya. Pinatong ko naman ang kamay ko and he kissed it.
"Lalo kang gumanda ngayon."
"Alam ko na yun." we both chuckled. In-escortan niya ako hanggang sa makapunta kami sa stage. Then, the party begins.
Katulad nang ginagawa sa karaniwang debut, may mga 18 candles, 18 treasures, 18 bills and last... 18 roses. Yung iba hindi ko kilala pero mga anak daw ito ng mga ka-business partners ni Daddy. Hanggang sa sunod ay sinayaw ako ni Daddy at huli si Rykel. Matapos nang pagsayaw sa akin, naupo muna ako at binibilang yung roses na hawak ko. Wala kasi akong magawa. And... 17 roses lang ang hawak ko. 17 lang talaga? Bakit kulang? Nasayaw ko naman lahat ng tinawag na pangalan bakit may kulang?
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Ficțiune adolescențiBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)