CHAPTER 35

96 3 0
                                    

        Makalipas ang ilang araw matapos ang Christmas ball. Sa condo na ulit ako umuuwi. Syempre para masilayan ang araw-araw na pakulo ni Jester. Nalaman ko na rin pala kung bakit niya ako iniiwasan at kung bakit siya nagkasugat sa mukha. Nakita niya pala kami ni Rykel sa coffee shop at nag-away sila ni Rykel. Kaya heto bumabawi siya nitong makalipas na tatlong araw. Nung unang araw, pinagluto niya ako sa condo ng breakfast. Nung pangalawang araw, may mga bulaklak sa labas ng balcony para ngang nagkaroon ako ng hardin sa sobrang dami. At ngayon ito naman...



"Nagkalat ka na naman sa condo namin." nakakunot-noong saad ni Lyanna.


"Sorry, gusto ko lang i-surprise si Angel." napapout pa siya. Hahaha. Cuuuute! ^____^ Ang surprise niya ngayon ay nagkalat siya sa buong paligid ng heart.


"Hindi mo naman kailangang araw-arawin ang pangsusurprise sa akin e." saad ko.


"Di mo ba nagustuhan?"


"I love it." ngumiti ako. "Pero syempre, marami pang bagay ang pwede nating gawing dalawa. Hindi yung ikaw lang lagi nag-e-effort."


"S-Sorry." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.


"Hindi mo kailangang mag-sorry. Hindi naman ako galit e. Masaya ako. Sapat na, na lagi kang nandiyan." he smiled.


"Napakalandi nitong dalawang 'to! Kay aga-aga kinakain na ako ng mga langgam!" reklamo ni Lyanna na ikinatawa namin.


"Oh?" napatingin naman kami sa bagong gising na si Drake. "Valentines na?"


"Halloween na!" sabay irap ni Lyanna. Itong dalawang 'to talaga. Napatingin naman ako kay Jester na kasalukuyang nakatitig sa akin.


"Simbang gabi na mamaya, simba tayo sa subdivision nila Sandra?" tumango naman ako at ngumiti.



        Hmmmm? Anong relationship status namin? Ligawan stage pa lang. ^_____^ Syempre gusto ligawan niya muna ako noh. Hahaha. :D



        Tulad ng sabi niya nagsimba kami sa chapel sa loob ng subdivision kung saan tumitira si Sandra. Kasama rin namin sila Sandra at Drake. Nang matapos ang misa ay humiwalay kami ni Jester. Sabi ko kasi daanan namin yung dati naming bahay kaya naman nasa tapat na kami ng gate ng dati naming bahay.



"May susi ka ba?" tanong niya.


"Syempre." lumapit ako sa paso sa gilid ng gate at kinuha ang susi sa ilalim ng paso.



       Binuksan ko naman ang gate at agad kaming pumasok. Ang dami ring memories sa bahay na 'to. Naaalala ko kung gaano kasaya ang mga alala-alala namin dito.



"May ipapakita ako sayo." sabi ko sa kanya at hinila siya papasok sa loob ng bahay.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon