"S-Sorry. Akala ko kakilala ko." lumayo na ako sa kanya at nagtungo sa kabilang bookshelves. Shemay! Nakakahiya yuuuun!
Kunwari naghahanap ako ng libro, pero tinitingnan ko yung reaksyon nung lalaki. Kung ako yun, mapagkakamalan kong baliw yun. Buti na lang mukhang wala lang doon sa lalaki at nagpatuloy lamang ito sa pagbabasa. Nakahinga naman ako ng malalim.
"Hinahanap mo ko?"
"Oo." lumingon ako sa nagsalita habang nakangiti...
...
...
...
O______O -Me
^______^ -Him
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Sino pa nga ba? Sino pa nga ba ang hinahanap ko at naaalala ko sa lugar na 'to? Siya lang naman.
Ngiting-ngiti siya sa akin ngayon, at wow ha! Lakas ng loob niyang ngitian ako samantalang hindi niya ako tinitingnan o sinusulyapan man lang sa nakalipas na tatlong buwan.
"Hindi noh. Bakit kita hahanapin?" apela ko agad.
"Hindi raw niya ako hinanap." ngumingiti pa siya ng nakakaloko. "Kaya pala akala mo ako yung lalaking yun." sabay turo niya sa lalaking tinitingnan ko kanina.
"H-Hoy! Assuming ka a." ngumiti naman siya habang nakatitig sa akin kaya naman napakunot ang noo ko. This guy! Napaka-weird niya!
"SHHHHHH!" saway sa amin ng librarian.
"Ang ingay mo kasi." humarap siya sa mga shelves at kunwari'y may hinahanap na libro.
"Kasalanan ko pa ngayon a. Psh. Teka, bakit mo ba ako kinakausap? Pumunta ka na sa girlfriend mo. Baka magalit na naman yun." huminto siya sa paghahalungkat ng libro at tumingin sa akin.
"Babalik ako sa girlfriend ko, basta umalis ka muna."
"Aba! Ako pa talaga aalis a. Kapal talaga. Sige! Nang matahimik ka." paalis na ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napahinto ako.
"Umalis ka muna... dito sa puso ko."
Dugdug...
Dugdug...
Dugdug...
Bingi ba ako? Totoo ba yung sinabi nitong lalaking ito? Teka! Gosh! Nananaginip yata ako e!
"H-Ha?"
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)