CHAPTER 1

119 8 3
                                    

"Beb!" napatingin ako sa tumawag sa akin at iniabot sa akin ang isang can ng mountain dew.

"Thank you, Beb." naupo siya sa tabi ko at inakbayan ko naman siya. Nasa bleacher kami sa may field.

"Naiisip mo rin kaya kung anong lagay ni Angel sa States? Ni hindi niya ako kinokontak kahit sa facebook." napaisip naman ako, kamusta nga kaya siya?

       Simula nang umalis si Angel, ilang buwan din akong wala sa sarili. Lagi kong sinisisi ang sarili ko kung bakit hindi kami magkasama ngayon. Kung hindi lang ako naduwag na umamin, nandito pa sana siya.

        Pero iba na kasi ang ikot ng mundo ko ngayon. Umiikot na ito sa GIRLFRIEND ko ngayon. Si Crissandra Aim Bartolome. :)

         Nang mawala si Angel, si Sandra amg laging nasa tabi ko. Andiyan siya para i-comfort ako at tulungang makamove on. Para siyang naging closefriend-slash-bestfriend-slash-kapatid-slash-partner ko kaya unti-unting nahulog din ang loob ko sa kanya. 1 year na kami ngayon. Ang tagal na rin namin no? :)

        2nd year college na kami at nasa Wilhelm Academy pa rin kami nag-aaral. Lumipat na ng ibang school ang mga kabarkada namin dati at tanging sina Janna, Marlon, Princess at Aubrey na lang ang natira.

*PAAAAAK*

"ARAAAAY BEB!" napapout ako at napahawak sa pisngi ko. Sinampal niya kasi ako.

"Hoy Lloyd Jester Belle! Ano na namang iniisip mo ha?!" masama ang tingin niya sa akin. Pag natutulala kasi ako, ang nasa isip niya, iniisip ko si Angel. Eh siya lang naman ang laman ng isip at puso ko e.

"Ikaw."

"Psh!" kinurot niya ako.

"Aray!" hinimas-himas ko ang braso ko. "Napakasadista naman ng girlfriend ko."

"Hmp! Eh paano! Alam ko na kung sino na naman iniisip mo!" nakabusangot na siya. Hinawakan ko naman ang pisngi niya at ngumiti sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, Beb? Nakaraan na yun. At ito ang kasalukuyan. Isang taon na tayo, iniisip mo pa rin na mahal ko yung bestfriend mo. Kahit na tanungin mo ko  at ng kahit sino, kung sino ang mahal ko, handa kong ipagsigawan na IKAW ang mahal ko."

"Wheeee?"

"Tingnan mo 'to! Seryoso kaya ako!" tumayo ako. "Gusto mo patunayan ko?"

"Sige nga!" nilagay ko yung dalawa kong kamay sa gilid ng labi ko at sumigaw. "MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SI CRISSANDRA AIM BARTOLOME!!!!!!!"

       Tawa naman siya ng tawa at para akong baliw na paulit-ulit yun na isinisigaw.

"HOY! Tama na yang ka-sweetan!" napalingon naman kami kay Janna. "Kanina pa nagbell, pumasok na kayo."

       Sumunod naman kami sa kanya. Nang pumasok kami ng classroom, nasa harapan na si Ma'am Sofia kaya naman agad na kaming naupo.

"Lahat na ba nandito?" tanong ni Ma'am Sofia.

"Opo." sagot namin na para kaming elementary. XD

"May mga bago tayong transferee pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sila pumapasok hanggang ngayon, dapat nung monday pa sila nandito e."

"Sila? Ibig sabihin po marami?" tanong ni Marlon.

"Oo. Ang pagkakaalam ko, tatlo sila. Pero hindi ko pa hawak ang record nila kaya hindi ko alam kung sino." transferee? Sino naman kaya?

       Nagpatuloy lang ang discussion namin, hanggang sa magbreak time na.

"Beb, samahan mo naman ako sa library." pagyaya ni Sandra.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon