CHAPTER 31

73 1 0
                                    

[ Jester's P.O.V. ]



        Hinahanap niya si Rykel... Mauupo na lang ba ako dito at walang gagawin? Pero baka maisip niya na masyado na akong nakikialam... eh hindi naman niya ako boyfriend. Aaaargh! Nababaliw na ako.



"Anong... ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Sandra. Doon ko lang napansin na nakatayo na pala ako habang sinasabunatan ang sarili ko. Dahan-dahan naman akong napatingin sa paligid... at tinitingnan na rin nila ako.


"A-Ah... pinaparactice ko kung paano magshampoo ang unggoy. Mahirap pala." naupo ako ulit. Muli naman silang kumain. Pero di ko na talaga 'to matake!


"Bakit hinahanap ni Angel si Rykel?" nagkibit-balikat lang si Kysler at tumingin lang sina Sandra at Lyanna habang nagpapatuloy sa pagkain.


"Baka may itatanong lang?" saad ni Lyanna.


"May cellphone siya bakit hindi na lang itext." sagot ni Kysler. May punto siya roon.


"Baka naman may pag-uusapan lang pero kailangan sa personal." komento ni Sandra.


"O baka pag-uusapan na nila ang tungkol sa pagtuloy ng kasal nila."


*PAK!*


"ARAAAY!" napahawak si Kysler sa batok niya na binatukan nina Sandra at Lyanna.


"Kung anu-anong pinagsasabi mong hipon ka! Gagawin talaga kitang tempura diyan e!" mataray na saad ni Lyanna.


"Jester." napatingin naman ako kay Sandra. "Bakit di mo na lang sundan para makasiguro ka?"



       Ngumiti naman ako at tumayo sabay takbo palabas ng cafeteria. Hinanap ko siya sa classroom, sa garden, sa quadrangle pero... wala. Kaya lumapit na ako sa school guard, nakita raw nila na lumabas si Angel ng school. Saan naman ba pupunta ang babaeng yun?



        Naisipan ko na baka sa coffee shop siya pumunta dahil yun lang ang malapit na pwedeng tamabayan. Pagliko ko pa lang ng street, natanaw ko na si Angel... pero natigilan ako sa nakita ko. Tumayo si Angel sa kinauupuan niya at... yinakap si Rykel.



         Pakiramdam ko dinidikdik yung puso ko na parang paminta. Bakit niya yinakap ang mestisong yun?! Kahit na nasasaktan ako, hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Pinanood ko lang sila hanggang sa humiwalay na si Angel sa pagkakayakap. May mga sinabi pa siya hanggang sa sabay na silang lumabas ng coffee shop.



         Lalapit na dapat ako nang mapansin kong hindi sila sabay na pupunta ng school. Pagkakataon ko na 'to. Hinintay ko na makaalis si Angel at nang makasigurado na akong wala na siya. Lumapit ako kay Rykel at pagkaharap niya agad ko siyang sinuntok sa mukha. Natumba naman siya at nakita ko ang pagdugo ng labi niya. Dinura naman niya sa semento yung dugo at ngumiti ng nakakaloko.

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon