[ Angel's P.O.V. ]
Hindi ako makapaniwalang napapayag ako ng baklang ito. -______- Sinuhulan kasi ako hindi naman ako makatanggi. Ipapasa niya raw kasi ako kahit umabsent ako araw-araw.
"More emotion!" sigaw niya. Paano kasi binabasa ko lang yung nakasulat sa script. Napakamot naman ako sa ulo at iritable siyang tiningnan.
"Oo na." sagot ko.
"Ok. 1... 2... 3... action!"
"A. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko." binabasa ko na yung script ko. "Bakit ko pa mahal ang taong yun. Bakit. Magalit at Sabunutan ang sarili. Teka! Bakit ko naman gagawin yun?!" napa-facepalm na si Sir Alex.
"Let's take a break. Nahihilo ako sa ginagawa natin." sabay walkout niya.
"Ang galing mo, Angel!" sabay akbay sa akin ni Drake habang tumatawa. "Para kang tumutula. HAHAHAHAHAHA." sinabunutan ko naman siya.
"A-ARAAAAY!!!"
"Tatawa ka pa?"
"HINDI NA PO! HINDI NA!" binitawan ko naman ang buhok niya sabay upo ko sa lapag ng stage.
"Haaaay. Ano ba naman kasing drama 'to? Mala-two wives ang dating." nahiga naman ako at pumikit. Hindi pa dapat ako papasok e. Kung hindi lang dahil sa pesteng ingay na narinig ko kanina sa sala. Mamaya minumulto na pala ako ni Annabelle. -.-
"Angel." dumilat naman ako ng marinig kong may tumawag sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya. "P-Pwede ba tayong mag-usap?"
Tumayo naman ako at pinagbigyan ang gusto niya. Lumabas kami ng theater. Nung una, tila walang balak maunang magsalita sa amin hanggang sa hindi na niya matiis ang gusto niyang sabihin.
"Mapaglaro talaga ang tadhana, no?" napakunot naman ang noo ko. Inistorbo niya ang pamamahinga ko para sabihing mapaglaro ang tadhana? Kahit yata ninuno ko alam yun e. -_-
"Kung yan lang ang sasabihin mo, papasok na ako sa loob." bored kong saad sa kanya.
"Angel... alam naman nating... parang katulad tayo sa idadrama natin, ang pinagkaiba lang nabuntis ka sa script natin at iniwan ka niya, ka---"
"Sandra, kung gusto mo lang sabihin na wag kong personalin ang i-a-acting ko, ngayon pa lang sinasabi ko ng hindi ako marunong. Wag ka ring mag-alala. I'm not going to seduce your boyfriend. So, pwede na ba akong umalis?"
"T-Thanks." tinalikuran ko na siya. Nainis lang tuloy ako. Ano namang akala niya sa akin? Kahit na gusto kong maghiwalay sila, hinding-hindi ako gagawa ng way para maghiwalay sila.
Practice lang kami ng practice. Lagi pa ako napapagalitan. Ok naman daw ang diction ko,ang problema... wala raw akong emotion.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Fiksi RemajaBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)