Kanina pa ako nakakulong sa loob ng cubicle, paano kasi nabubwiset akong pumasok! Kanina nasabi kong manliligaw ko si Kevin, bakit? Ganito kasi yan.
[ Flashback ]
"I have an idea."
"Anong idea?"
"Pagselosin si Jester Operation!" itinaas niya pa ang kanang kamay niya habang naka-closed fist siya. Dinaig pa niya ang mga mandirigma sa Katipunan.
"Siraulo ka?" =_=
"Grabe ka naman. Tinutulungan na nga kita sa kanya e."
"Bakit ka ba nakikialam? Di mo naman alam ang istorya naming dalawa."
"Kunwari alam ko. Tsaka kahit naman di mo aminin, alam kong may nararamdaman ka sa kanya at ganun din siya."
"Tinangay na ba ng hangin yang utak mo? May girlfriend yung tao kaya mali yang iniisip mo."
"Ayaw mo kasing magtiwala e. Tungkol sa girlfriend niya, ganito ang gagawin natin." pinilit kong makinig sa kagaguhan ng lalaking ito kahit alam kong non-sense rin na makinig sa kanya.
"Rule no. 1." itinaas niya pa ang index finger niya. "Pretend that you're okay. Dapat ok lang sayo na makita silang sweet kahit sa harapan mo pa sila magharutan."
"Akala mo ba mad---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Shhhh! Ako lang magsasalita. Okay, Rule no. 2!" sabay peace sign. "Wag kang iiwas sa kanila. Face them. No matter what. Dahil kapag umiwas ka o lumayo sa kanila, nangangahulugang ikaw talaga yung mas nasasaktan."
"Aba tal---" hinarang niya ang index finger niya sa bibig ko.
"Manahimik ka. Rule no. 3, wag na wag kang iiyak sa harap niya. Kapag nagawa mo ang lahat nang ito, hahayaan na natin ang mga susunod na mangyayari."
"Akala ko ba 'Pagselosin si Jester Operation' ito? Asaan ang pagpapaselos kay Jester doon?"
"Ikaw ha! Gusto mo rin talagang magselos siya noh?" sabay tawa ng malakas. I frowned at him. "Okay. Kidding aside. About that operation, the plan is... you and i, will pretend to be lovers."
[ End of flashbacks ]
At yun nga ang dahilan kung bakit niya ako hinatid kanina. Alam kong kagagahan lang ang lahat ng ito. Pero siguro way na rin 'to para malibang ako at hindi ko na muna maisip si Rykel.
Pero kanina mukhang nakabreak ako ng rules. Hayst. Narinig kong may pumasok sa CR. Kaya naisipan ko na ring lumabas. Ia-unlock ko na sana ang lock ng cubicle ng mapahinto ako sa narinig ko.
"You know Angel Faye Demention?" saad ng babaeng mukhang palaka ang boses.
"Nang A-1A?" tanong naman nung mukhang ipis ang boses. Mga peste itong mga 'to. Talagang pinag-uusapan ako?
"Oo. May narinig kasi ako about her."
"Ano naman yun?"
"Ex lang naman siya ni Jester." ex? At kelan naman naging kami? Imbento.
"Talaga? Eh di'ba magbestfriend sila ni Sandra?" sino ba itong mga 'to at kilala kami. Kinuha ko ang cellphone ko sa backpack ko at palihim na kinuhaan sila ng video.
"Oo nga e. Malandi kasi si Sandra. Ang pagkakaalam ko dapat si Angel pa at si Jester. Nang ahas naman si Sandra kaya ayun. Naging sila."
"Iba talaga ang kapit nang mga linta noh."
"Sinabi mo pa. Gusto ko tuloy agawin si Jester sa kanya. Kahit na usap-usapan na naging bakla raw yun, ang hot pa rin niya." ini-stop ko na ang pagvi-video at lumabas sa cubicle.
"Kaya ng---"
Napatingin naman sila sa akin at halos mahulog na ang panga nila sa gulat nang makita ako. Kunwari wala akong napansin na mga mukhang talaba sa paligid. Dumiretsyo ako sa faucet at naghugas ng kamay. Nakatingin pa rin sila sa akin kaya tiningnan ko rin sila mula sa salamin. Pinatay ko ang faucet at humarap sa kanila.
"Kilala niyo pala ako?" napansin ko namang namutla sila. Dapat lang. Dahil katapusan na nila. Lumapit ako sa isang babae na may headband na blue at may makapal na make-up. Napansin ko naman ang damit niya at walang alinlangang pinunas ko ang basa kong kamay doon.
Lalong lumaki ang mga mata at bibig nila, tiningnan ko lang sila ng diretsyo at umalis na. Narinig ko pa ang sigaw nung babae, kaya I know siya yung boses palaka na sinabing aagawin si Jester.
"Hoy!" lumingon naman ako sa sumigaw. Tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" bored kong tanong sa kanya.
"Hindi mo ba alam kung gaano kamahal 'to?" tiningnan ko naman ang damit niya mukhang galing lang sa divisoria e. -.-
"Hindi. But I think mura lang yan."
"How dare you?! It's worth 5,000 pesos, you bitch!"
"Ah. Ganun ba?" binuksan ko naman ang bag ko at kinuha ang wallet ko. Kinuha ko ang 5,000 pesos at lumapit sa kanya. "Here." binato ko sa kanya yung pera.
"Para manahimik ka na." tinalikuran ko na sila pero laking gulat ko ng makita si Jester sa likod ko.
Masama ang tingin niya sa akin. Bakit? Ano bang ginawa ko?

BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)