Hi Miss NixxieNR05 ! :) Thank sa message mo. :) Natuwa tuloy ako mag-update. ^_^ Hope you like it. <3
*******************************************************************************
Umuwi ako agad ng condo. Nadatnan ko naman si Lyanna sa sofa na nanonood ng tv.
"Kamusta ang dinner?"
"Si Drake?"
"Tulog na. Bakit?"
"Wag ka ng magpapapasok ng kahit sino."
"Kahit si Rykel?"
"Especially si Rykel." pumasok na ako sa kwarto ko at agad ng nagbihis.
Maaga akong natulog at maaga rin akong pumasok nang school. Tinawagan ko pa si Kevin para samahan ako pero ring lang ng ring yung phone niya.
Tumambay lang ako sa corridor habang binabasa yung list na ginawa ni Kevin. Rule no. 4 Don't talk to him
Natawa naman ako. Feeling ko magsa-success ako nito. Hindi rin naman niya kasi ako kinakausap. Ano kayang problema nung lalaking yun?
"Lalim ng iniisip." nagulat naman ako sa nagsalita. Agad ko naman siyang hinampas.
"Muntikan na akong atakihin! Anong ginagawa mo dito?"
"Tumawag ka e. Syempre matik na yun. You need me." proud na proud niyang saad.
"I need you. Gusto ko kasing makitang tumalon ka mula sa floor na 'to." pinisil naman niya ang pisngi ko at binitawan din agad
"Napakasadista mo. Nga pala, umepekto ba ang rule no. 3?"
"I think so."
"Hindi mo pa nagagawa ang rule no. 4?"
"Hindi pa. Mamaya siguro." napatitig naman siya sa akin.
"Ang lungkot mo pa rin. Di'ba dapat nagdidiwang ka dahil um-effect yung rule no. 3?"
"Hindi naman kasi ako doon nalulungkot e. What if ginagawa ko ito... pero hindi naman pala kami ang meant to be?"
"Atleast you try. Mas maganda ng sinubukan kaysa naman wala kang ginawa."
"Masama bang tanggihan ang bagay na ayaw mo na talaga?"
"Ano namang masama doon? Eh sa ayaw mo na e. Ang masama pinipilit mo ang isang bagay na ayaw mo naman palang gawin." umakbay naman ako sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Kamag-anak mo ba yung mga trolls sa Frozen? Isa kang love experts e!"
"Baliw." he chuckled. Inalis ko na ang pagkakaakbay sa kanya at sumandal sa corridor.
"Nainlove ka na?" ngumiti naman siya.
"Oo. Nung bata pa ako. Childhood friend ko." tumango-tango naman ako.
"Maganda?" tumango siya.
"Oo. Makulit. Napakadaldal. Pero mabait. Maalaga. Naaksidente nga lang siya."
"Awww. Nasaan na siya ngayon?"
"Nasa... tabi ko." agad naman akong napalingon sa kanya. Ako ba ang tinutukoy niya? "Hindi siya nakikita ng iba." lumingon siya sa kabilang gilid niya. "Say 'hi' my childhood friend."
Binatukan ko naman siya ng sobrang lakas. Siraulo talaga ang lalaking 'to. Pinagloloko ako! -___-
"Umalis ka na nga dito!"
"Ayoko nga. Aalis lang ako kapag may kasama ka na. Bakit kasi ang aga mong pumasok?"
"May tinatakasan ako e."
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Teen FictionBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)