How to take a revenge to Lloyd Jester? Ito ang tinuro sa akin ni Kevin kanina. Naikwento ko na kasi sa kanya. Hihi. Nilista ko pa sa isang notebook lahat ng sinabi niya.
"Rule no. 1 Don't look at him. Kahit sulyap wag na wag mong gagawin." tila nagflashback pa ang sinabi ni Kevin kanina.
Pagkapasok niya ng classroom, nakita ko siyang dumaan sa harapan. Para pa ngang slow mo ang pagkakalakad niya. Nakita ko pa ngang may pasa siya at cut din sa lower lip. Bakit pareho sila ni Rykel? Hindi ko na siya sinundan ng tingin pero nakikita ko pa rin siya sa peripheral vision ko hanggang sa makaupo ito.
Nag-aayos pa ako ng buhok baka sa kaling lumingon ito. Pero... wala. Hindi siya lumingon sa akin. "Rule no. 1 Don't look at him." FAILED.
Kung hindi umepekto ang rule no. 1, paniguradong walang tatalo sa rule no. 2.
"Rule no. 2 Ignore him. Magpanggap ka na hindi mo siya nakikita o kaya naman para mas malala pretend that he doesn't exist! Effective yan, promise." yung totoo nasa kokote ko ba si Kevin? -_- Nagrereplay lahat e.
Nang magbreak time na, nauna akong lumabas nang classroom. Nakatayo ako sa corridor at nagkukunwaring may katext hanggang sa makita ko nang lumbas si Jester. Panigurado lalapit yan. Lalapit yan... L—-Lumiko? -_____- Ni hindi man lang napatingin sa akin. Bwiset na lalaki 'to!
"Rule no. 2 Ignore him." FAILED...
Dinial ko agad ang number ni Kevin. Maya-maya'y sinagot niya rin.
"Hey Su—-" pinutol ko na ang sasabihin niya sa kabilang linya.
"Keviiiiiiin! Huhuhuhuhu! Hindi naman umeepekto e. He's the one who don't look at me and ignoring me! Ano ba namang rules mo 'to?! Ginagawa niya rin sa akin yung ginagawa ko e! Binigyan mo rin ba siya ng ganitong list?!"
"Hmmmm. I think Yes? Nung mga bata kami."
"What?! Siraulo ka! Tapos binigyan mo rin ako! Kaya pala may expert na siya sa rules na 'to! Siraulo ka talaga Kevin!" makita ko lang ang lalaking 'to ibibitay ko siya sa flagpole.
"Hahahahaha. Uy joke lang. Di ka naman mabiro."
"Sa palagay mo nakikipagbiruan ako?!"
"Sorry na po. Ito naman. Mas mainit pa ang ulo mo sa panahon e. Hmmm." tila nag-iisip pa siya dahil huminto siya sa pagsasalita. "Kung di epektado ang rule no. 1 and 2, let's proceed to rule no. 3 Make him jealous"
"If this won't work. I swear! I'll kill you!"
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Fiksi RemajaBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)