CHAPTER 9

70 5 0
                                    

"Kalimutan mo na ang lalaking yun." sa dami ng sinabi ko yun lang sagot niya!?

       Nakaramdam ako ng pagkahilo... kanina pa rin kasi ako nauulanan. Matagal din kaming nagkatitigan hanggang sa siya na mismo ang pumutol sa tinginan namin. Dinaanan na niya ako at umaalis. Para namang lumilindol dahil pakiramdam ko, umiikot ang paligid hanggang sa... I passed out.

[ Jester's P.O.V. ]

        Nasa ospital kami ngayon dahil mataas ang lagnat ni Angel. Hanggang ngayon nga tulog pa rin siya. Hindi ko maiwasang titigan siya.

"Ganun ba kaimportante ang taong yun sayo?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya. Asa naman akong sumagot siya. -.-

       Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko at nang tingnan ko ang screen, si Sandra tumatawag! Shoot! Nakalimutan kong ihahatid ko pa pala siya pauwi. Agad kong sinagot ang tawag.

"Beb? Nasaan ka na?"

"Nasa bahay na." sagot niya sa kabilang linya.

"Oww. Sorry Beb. Babawi ako sayo."

"Asaan ka?" naku... paniguradong magagalit ito kapag sinabi kong kasama ko si Angel. Pero ok na yun kaysa naman magsinungaling ako sa kanya.

"I'm with... her."

"I see. Sige baka makaistorbo pa ako."

"Sand---" *call ended* Hay. Pupunta na lang ako mamaya sa bahay niya para di na siya magalit.

        Napatingin naman ako sa pinto ng marinig kong bumukas iyon. Sila Lyanna at Kysler. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko habang nakatingin lang sila sa akin.

"Uhmmm, mauna na ako." lumabas na ako at tinext si Sandra na pupuntahan ko siya sa bahay niya.

        Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako nakarating sa bahay ni Sandra. Tumila na rin ang ulan. Nadatnan ko naman si Sandra na nakaupo sa hagdan ng gate nila. Pinatay ko ang makina ng motor ko at lumapit sa kanya.

"Beb bakit nandito ka?" naupo naman ako sa tabi niya at yinakap siya. "Excited na excited na siguro ang girlfriend ko na makita ako." pero hindi pa rin siya kumikibo.

"Beb sorry na. Dinala ko kasi si Angel sa ospital, nahimatay kasi siya kanina. Mataas din yung lagnat niya. Tsaka beb, nalaman ko na kung anong dahilan kung bakit nagkaganun si Angel. Dahil sa fiancé niya." lumingon naman sa akin si Sandra.

"Fiancé?" tumango ako.

"Niloko kasi siya ng fiancé niya. Malapit na pala dapat silang... ikasal."

"Beb... I think hindi mo na siya responsibilidad ngayon. Di'ba sabi mo kapag nalaman mo ang nangyari sa kanya sa States tapos na? Hindi mo na siya lalapitan?" isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Oo. Pero... hindi ba mas kailangan niya tayo ngayon? Hindi pa siya makamove on and I want to help her." tiningnan naman ako ni Sandra.

"Bakit?"

"Ha? Anong... bakit?"

"Bakit mo ginagawa ito?"

"Kaibigan ko siya. Natin. What's wrong of that?"

"Alam ko yun, Beb. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Magselos. Gusto niyo ang isa't isa noon. Kaya hindi ko mapigilang hindi matakot."

"Beb naman. Napag-usapan na natin yan noon di'ba?"

"Kahit hindi mo aminin, Beb. Ramdam ko. Ramdam ko na may puwang pa siya diyan sa puso mo." tumayo na si Sandra at pumasok sa loob ng bahay niya.

        May puwang pa nga ba siya sa puso ko?

        Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin pumapasok si Angel. Sabi nila Lyanna at Kysler, nagpapahinga pa raw pero halata naman sa kanilang nagsisinungaling sila. Kamusta na kaya siya?

        Nasa theater kami ngayon, kasama kasi ang section namin sa theater club.

"Class, next week magkakaroon tayo ng school festival. Maraming bisita ang dadayo sa Wilhelm kaya gusto ko sanang magperform tayo ng isang drama." may ibinigay siyang script sa amin.

"The Past?" nakataas ang kilay ni Lyanna ng itanong niya yun. The Past kasi ang title.

"Yup. The Past. Any problem Ms. Del Mundo?" pagtataray ni Sir Alex. Bakla siya kaya sinasabayan ang katarayan ni Lyanna.

"Wala. Cliché."

"Ha! How dare you!" nakakunot na ang noo ni Sir Alex. Inakbayan naman ni Kysler si Lyanna.

"Sir, casting na po tayo. Wag mo na pong intindihin ang malditang 'to."

"Pasalamat ka, Ms. Del Mundo at gwapo si Mr. Furuchi."

"Magthank you ka raw sa akin." siniko naman siya ni Lyanna.

"Ok. Mag-a-assign na ako ng mga cast. By the way, yung mga gagamitin nating name, name niyo na rin para hindi na tayo mahirapan. Ang lalaking bida is Jester." nagulat naman ako ng tawagin niya ang pangalan ko kaya napatingin ako sa script.

"Ang girlfriend is Sandra. Para di na kayo mahirapan sa pag-acting. Next is, ang past... sino gusto?" umiwas ng tingin ang mga kaklase namin. "Lyanna!"

"Subukan mo lang, Sir. Ayoko!"

"Eh sino mag-a-act nito?"

*BLAAAAG*

        Napatingin naman kami dahil sa lakas ng pagbukas sa pinto.

"Angel!" kumaway-kaway pa si Lyanna sa kanya pero tiningnan lang siya nito.

"Perfect! Angel will be Jester's past!"

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon