"What do you want? The pink one or the blue one?" tanong sa akin ng wedding designer namin.
"Pink."
"Ano pang color ang gusto mo pong isama?"
"White. Gusto kong magmukhang malinis. Ayokong may matingkad na kulay." saad ko habang nagtitingin pa ng tela.
Nasa bilihan kami ng tela para sa mga lamesa, upuan, laso na pangdesenyo sa mga bulaklak at kung anu-ano pa. Nakabili na kasi kami ng wedding gown at tuxedo na isusuot ni Rykel.
"Wifey, kain muna tayo." tumango naman ako sa kanya at nagtungo sa malapit na fastfood.
Kumain kami sa jollibee, habang kumakain ako. Nakatingin sa akin si Rykel.
"Why?" nakangiti kong saad sa kanya.
"We can cancel this. Sabi ko naman sayo di'ba, hindi mo na ako kailangan pang pakasalanan para matuloy ang merge ng company natin. Pwede kong kausapin si Daddy na magshi-share kami ng investments sainyo without this arrange marriage." natawa naman ako kay Rykel. Sa loob kasi ng tatlong linggong lumipas ay yan pa rin ang lagi niyang sinasabi sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.
"Hubby, itutuloy natin ang kasal tulad ng napag-usapan."
"Ayokong kasing matali ka sa kasal na 'to na hindi mo naman gusto... Na napipilitan ka lang. You don't need to suffer in this arrangement."
"Hindi ako magsa-suffer. Tsaka ako naman ang lumapit sayo para ituloy ang kasal di'ba? Nakapagdesisyon na ako." ngumiti ako sa kanya. Pinisil naman niya ang kamay ko.
"Basta. We can cancel the wedding or you can file an annulment pag gusto mo na akong hiwalayan after our wedding. Ok lang sa akin."
"Sira ka talaga. Kumain ka na nga." muli kong ipinagpatuloy ang pagkain ko at ganun din siya.
Tama ang narinig niyo, ikakasal na kami. Sa katapusan ng february ang wedding namin. Malapit na. Dahil Feb. 10 na ngayon. Hindi ko pa sinasabi kayla Mommy at Daddy ang tungkol sa kababata ko si Jester. Hangga't di ko pa alam ang pinakasagot sa lahat. Pagkatapos naming kumain, hinatid niya ako pabalik ng school. Pumunta kasi siya dito para i-excuse ako sa mga Prof ko.
Pagkarating namin ng eskwelahan, holding hands kaming naglalakad sa hallway. Ihahatid niya raw kasi ako sa classroom. Sa mga nakakasalubong naming tao, hawak na nila ang invitation card ng kasal namin.
"Congratulations Miss Demention or should I say Mrs. Hensel?" natawa naman ako sa sinabi ni Ma'am Tina.
"Wag po kayong mawawala, Ma'am ah?"
"Oo naman. Di ko palalampasin ang isa sa espesyal na araw ng estudyante ko."
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Ficção AdolescenteBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)