"Bakit kayo magkasama?" nagulat naman ako sa tanong niya pero hindi ko alam kung ako ba kausap niya.
"Hinatid ko siya." sagot ni Kevin habang nakangiti.
"Pwede ba kitang kausapin na tayong dalawa lang?" seryoso pa rin si Jester. Tumango naman si Kevin at naunang naglakad si Jester.
"Hindi na kita mahahatid sa clinic. Pero susunduin kita mamaya. Ba-bye." sabay wave niya sa akin at habol kay Jester.
Napatingin naman ako kay Sandra na nakatingin sa akin.
"Boyfriend mo?" hindi ko siya sinagot. Nakatitig pa rin siya sa akin. "Isang taon na kami, Angel. Mahal ko siya at ganun din siya. Sana... sana wag ka ng makisawsaw sa amin."
"Kung mahal ka talaga niya, hindi mo na kailangan pang balaan ako dahil siya mismo lalayo." nauna na akong naglakad papunta sa kabilang building.
Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin yun! Ako kaya nauna! Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko at agad ko yung pinunasan. Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin na pagmamay-ari na niya si Jester?!
At bakit naapektuhan ak ng ganito?! Wala talaga akong pakialam kung naging sila! Wala akong pakialam kung sila na ngayon ang laging magkasama, magkaangkas sa motor, naghaharutan at kung anu-ano pang kalandian na ginagawa nila ngayon! WALA TALAGA AKONG PAKIALAM! HMP!
Pumasok na agad ako sa classroom at hindi na dumaan ng clinic. Pagkaupo ko agad kong ipinasak sa tenga ko ang headset at nagtulug-tulugan. Naalibadbaran talaga ako! Gusto kong manapak! Aaaargh!
Nagtulug-tulugan ako hanggang sa matapos ang buong maghapon. Ni hindi na ako kumain ng lunch. Naririnig ko rin na pinapagalitan ako ng mga teacher dahil natutulog ako sa klase nila. But. I. Don't. Care.
BINABASA MO ANG
It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]
Novela JuvenilBook 2 of NOT A BAD THING. :) (COMPLETED)