CHAPTER 26

68 2 0
                                    

[ Angel's P.O.V. ]

       Makalipas ang ilang araw, may napapansin akong kakaiba kay Rykel... pati na rin kay Jester. Lalong naging maeffort si Rykel at kung wala lang girlfriend si Jester iisipin kong pinopormahan niya rin ako. Ang weird nga e.

"Ako na magdadala niyan." pagpiprisinta ni Rykel nang makitang may libro akong dala.

"Rykel, nasobrahan ka naman yata sa pagiging gentleman. Pocketbook lang 'tong bitbit ko. Hindi pa naman siguro mababali ang braso ko kapag ako ang nagbuhat nito." puno ng sarcasm na saad ko. Nanguna na akong maglakad.

"Ingat wifey!" di ko na siya nilingon at pumasok na sa sunod kong klase. Which is English.

       Speaking of our English subject, may usap-usapan na parang may namumuong SOMETHING between Ma'am Tina at Sir Alex. Mukhang naniwala nga sa akin si Sir Alex. Hahaha. Ok na rin yun. Sayang lahi. Gwapo pa naman si Sir.

"Before we start our discussion, I want to greet Ms. Demention a Happy Birthday!" nagulat naman ako. Birthday ko pala ngayon? Ang eng-eng ko talaga! -3- Nagpalakpakan naman sila habang kumakanta ng Birthday song.

"Thank you." nahihiya kong saad. Napatingin naman ako sa cellphone ko. Oo nga pala, ibang cellphone na ang ginagamit ko. Remember, HINDI pa rin binabalik no Jester. November 18. Oo nga. Birthday ko nga talaga. My 18th Birthday.

        Kaya pala ang sweet ni Lyanna at Drake kanina. Nilutuan ako ng breakfast. Hay. Napailing-iling na lamang ako at nakinig na sa discussion ni Ma'am Tina.

[ Breaktime ]

        Pumunta ako sa canteen, tinakasan ko nga si Rykel e. Hindi ko pa nakikita si Jester ngayong araw. Tuwing birthday ko lagi na lang siyang nawawala. Bumili ako ng makakain at saka umalis ng canteen baka mamaya kulitin na naman ako ni Rykel.

         Pumunta ako sa malaking puno sa may school ground. Sumilong ako sa lilim at doon tahimik na kumain. Nakanganga na ako at handa na muling isubo ang hawak ko ng biglang dumilim ang paningin ko. Wala akong makita! Kinapa ko naman ang mata ko at ayun! May nakaharang na kamay sa mata ko.

"Who the hell are you?!"

"Hulaan mo!" parang pamilyar ang boses na yun...

"Damn! Kevin!" tinanggal na niya ang kamay niya.

"Surprise!" masigla niyang saad. "Happy Bir---" binatukan ko naman siya. "Aray! Para saan naman yun?!" he pouted.

"Para sa di mo pagpapakita."

"Sorry. Naging missing in action ang hero mo. But don't worry I'm back!" nakabuka pa ang mga braso niya. "Wala bang welcome hug?"

It's Really Not A Bad Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon