When Less Was More

3.8K 62 9
                                    

"Anong sabi mo?"

"Ate, sorry. Sorry talaga."

"Tangina, paano ka nabuntis? May jowa ka ba?" Napahilot ako ng sentido. Gusto ko nang maiyak sa sobrang stress.

One hour late na nga ako nag lunch. Kulang pa isang lunch box ko kanina, wala pa ako sa mood kumain ng dahon-dahon pero kinain ko kasi healthy living kuno pero ang gusto ko lang ngayon ay mag-buffet... mag-isa. Tangina, day one na naman ng diet bukas, paulit-ulit na lang.

"Hindi ko kilala ate-"

"No, no, no,no. No. No." Tinapon ko na lang sa sink ang natitirang kape ko. Wala na akong time at gana para tapusin iyon. Gusto ko na lang mag-beer bigla! "Huwag mong ituloy iyang sasabihin mo kung ayaw mo akong mahimatay dito sa opisina. Kailangan ko pang magtrabaho para sa atin at diyan sa dinadala mo."

Narinig kong humagulhol ang kapatid kong bago pa lang nag eighteen years old sa kabilang linya. Kung maaawa man ako sa kaniya, hindi ngayon ang araw na iyon. Puno ang schedule ko at walang space para sa stress na hindi naman work-related, walang space para sa mga problemang hindi ko alam ang solusyon. Nakakaloka.

"Ate, ready naman na si Mama magka-apo di ba? Ano bang pinagka-iba pag sa akin galing ang bata?"

"Anong gusto na ni Mama ng apo?" napasigaw na lang ako in disbelief. Grabe, hindi na ako makapaniwala sa kinalabasan ng usapang ito. Normal pa ba 'tong pinagsasabi ni Elaine? Kaya kong magbigay ng benefit of the doubt pero nasa human range pa ba 'tong pinagsasbai niya?

May narinig ako napatikhim sa likod ko kaya naman agad akong napalingon. Ano ba iyan! Akala ko, ako lang mag-isa dito. Kanina pa ako sumisigaw kasi akala ko, solo ko lang ang buong pantry.

Halos nanlaki naman ang mata ko nang makita ang sarili kong boss na nagtitimpla ng kape. He would often ask me for one pero lunch break ko kasi ngayon. Troy glanced at me but didn't show any reaction. Wala naman siguro siyang narinig at kung mayroon man, wala naman siguro siyang pake-alam.

I sighed in defeat. Napasabunot pa ako ng buhok ko. Hindi pwedeng ganito. Kailangan magkaharap kaming mag-usap nang makita ko ang pagmumukha ng babaeng iyon. Unfair na gusto ko siyang sabunutan pero hindi ko naman magawa. "Elaine, tigil-tigilan mo nga akong babae ka. Magharap tayo mamaya sa bahay."

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at ibinaba na ang telepono. I tried deep breathing several times, amoy na amoy ko ang kapeng tinitimpla ni Troy. Na-miss ko tuloy ang tinapon kong kape pero di na din kailangan dahil sa palpitation at siguro ay mataas na blood pressure ko ngayon. A-atakihin ako sa puso nito ng wala sa oras.

"Your sister?"

Imbes na kape ay tubig na lang ang ininom ko, "Ex-sister," sagot ko sa kaniya saka nilagok iyon. Maluha-luha na ang mata ko sa init ng ulo. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na maga-out ako ng maaga pero di bale na lang. Tatapusin ko na lang iyong mga kailangan gawin, instant distraction pa.

Nag-ring ulit ang phone ko at hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon nang makita kong si Elaine ulit ang tumatawag. I stared at the screen for a long time while I can feel that Troy is looking at me too. Hindi man niya sabihin, ramdam kong entertained na entertained siya sa pinapanood niya. Wow ha, live telenovela.

"Ano na naman-"

"Ate! It's a prank!"

Halos madurog na cellphone sa higpit ng hawak ko. Mariin na ipinikit ko ang mata ko at nag-bilang ng one to ten pero hindi pa rin nawawala ang galit ko. Bigla na lang nagpula ang paningin ko. "Putang ina mong bata ka! Leche ka talaga! Talagang gusto mong umabot ang panahon na ako mismo papatay sa iyo! Ngayon mo pa talaga naisipang mag prank-prank. Prank mo mukha mo! Kung ayaw mong tumakbo ang mga egg cells mo at dumaan diyan sa sinapupunan mong wala naman palang bata, siguraduhin mong kahit anino mo ay hindi ko makikita mamaya o kahit kailan!" I breathed, "Bwisit!" and ended the call.

"Goodness, Ellie."

"Ay puta!" Napasigaw ako ulit. Sa sobrang galit at bigla ko ay nakalimutan kong andito pa pala siya. "I mean, I'm sorry. Hehe. I'm sorry Sir." I laughed despite the anger I was feeling. Mula sa kaba, galit, ngayon ay nag-shot down pa ata ang mga emosyon ko. "Mauna na ako, Sir. Enjoy mo na lang iyang kape mo. Bango!" I tried to lighten up the mood pero napakunot lang ang noo niya. "Ang bango ng kape sir, iyong kape. Baka ano pa isipin niyo. I mean, mabango din naman- aba, ewan." I give up. Hindi dapat ako pinagsasalita ngayon.

Hindi naman ako nahihiya pero wala ako sa mood makipa-chikahan. Hindi din naman ako sumisigaw pag gusto ko lang. Hindi din normal para sa akin ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Syempre, si Ellie lang ako. Pag nagagalit, sumasasabog.

"Ellie-"

I was about to leave the room nang tawagin niya ako. Nakahawak na sa door knob ang kamay ko. I turned to see what he was about to say.

"Sa desk mo- ano, ah, never mind."

Anong meron dun? I just shrugged that off. Walang bakante sa utak ko ngayon. Kung may sasabihin siyang importante, he can say it later.

Birthday na birthday ko, nauna pa akong i-prank ng kapatid ko bago ako i-greet. Baka nga nakalimutan niyang birthday ko ngayon. I'm not surprised. Kung hindi kasi naka public sa social media mga ganitong bagay, hindi niya talaga naalala.

Napahinto ako sa harap ng desk ko nang makitang may box na ng cupcake mula sa favorite kong dessert shop.

Napadaan si Ate Tia, isa sa mga editor, pero napahinto ng makitang napakunot ang noo ko na nakatingin sa desk. "Char, may pa-cupcake si Sir." sabi niya pa. "Birthday mo no? Naks! Iba talaga pag si Ellie ang birthday girl."

Kumuha na lang ako ng isang cupcake at nilamon iyon. Gusto ko pa ding mag beer pero sa ngayon, bumaba na ang blood pressure sabay ng pagtaas ng sugar level ko.

May nakaka-alala pa naman pala ng birthday ko.

When Less Was MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon