"Aray ko."
Shit! Shit! Pakshit! Fucking shit! Ang hapdi.
Bahagya kong inihipan ang maliit na sugat ko sa braso habang nilalagyan ng ointment. Nag-aalala naman akong tiningnan ni Troy. Nginitian ko siya ng slight. Nakakahiya na tinitingnan niya ako ng ganiyan pero mas nakakahiya na nakita niya akong gumugulong-gulong at mas nakakahiya pag sinabi kong masakit ng slight ang pwet ko.
Naman kasi, bakit ang distracted. Ellie naman, focus!
"Are you really okay? Pwede na tayong bumalik-"
"No!" Agad na angal ko. Sandali na nga lang iyong stay namin dito tapos iyong natitirang memory ko pa ay ang mahulog sa may Grand Canal at saka iyong tanging souvenir ko ay sugat. Nope. I refuse to go back. "Kung gusto niyo po, kayo na lang. Okay lang ako, promise!" Itinaas ko pa ang kamay ko at ngumiti para ipakitang okay lang talaga ako.
"Okay," sabi niya. "But let's eat for now. Might as well have lunch since we are here already." Nakaupo kasi kami ngayon sa may cafe ngayon. "One Fritto Misto." Sabi niya sa waiter. Hindi man lang nag-isip! Na-pressure naman ako. "and..." he looked at me.
Nginitian ko ang waiter na gwapo tapos ay tumingin sa menu. Naku naman. Wala naman akong alam bigkasin dito. "And this one." I smiled at him and randomly pointed at one dish, Spaghetti in something. Di ako sure kung ano ibig sabihin nung next. Basta Spaghetti, iyon na iyon.
Habang kumakain, bigla na lang nag-flashback sa akin iyong nangyari kanina. "Nakakahiya."
"What?"
"Ha? May sinabi ba ako?" Nag-panic ako bigla. Am I thinking out loud? Hindi ko na nga ma-kontrol iyong katangahan ko, pati dila din ba, di ko na ma-kontrol.
"Yes, I clearly heard you say, nakakahiya."
Fuck. Nakakahiya nga.
"Okay lang." Okay lang. Okay lang talaga ako. Isang okay pa nga para mukha nang totoo. "Okay lang ako, Sir."
Troy... I can't believe this- smiled at me. Hindi naman ako nabigla na ngumiti siya pero iyong ngiti niya, mukhang... di ko ma-explain. Mukhang tuwang-tuwa sa nakikita niya.
Teka, kanina pa ba siya nagpipigil ng tawa?
"It's technically a day-off, Ellie. You can just call me Troy." Kinain niya iyong pagkain niya. Naglaway tuloy ako bigla kahit na may pagkain din ako sa harap ko. "As if I haven't said that enough already."
"Okay lang, Sir."
"Okay. I get it. You're okay." As if his smile wasn't enough, tumawa pa siya sa harap ko.
Ang gwapo niya talaga. Napaka-casual niya pang tingnan ngayon. Nakaka-weak ng defense. Masaya na ako na may kahit isang tao sa paligid namin an iniisip na mag-jowa kami. Hindi ko na alam anong iniisip ko pero hindi ko na mapigilan. Makasalanan pero hindi ko nama mapigilan. What the hell- ang laswa!
"Why do you keep on calling me Sir? You can even call me Troy at work for all I care. It's fine, really."
Bakit ba ito pinagsasabi nito? Hindi nakakatulong sa dry season ko ha. "For boundaries lang, Sir." Boundaries... I reminded myself again, "Boundaries." I repeated.
Pero hindi ko naman naramdaman ang boundary na iyon habang nilibot pa namin ang siyudad. Akala ko, travel for work. Mukhang date kasi, feels like one too.
Puno nang hagkaghak ang maikling lakad papunta sa magkatabi naming kwarto.
Hindi niya na siguro kayang pigilan iyong tawa niya tuwing naalala niya na pagulong-gulo ako. I can see him trying to stop himself from crying but I can also see him lose control. Napasimangot ako at first pero nakakahawa kasi iyong tawa niya. Ang cute... at hot.
BINABASA MO ANG
When Less Was More
RomanceWhen you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choice she made until she fell in love with her boss, Troy Herrera. Ellie's vision of what should life a...